Tiopronin - oral

Panacea Biotec Ltd | Tiopronin - oral (Medication)

Desc:

Ang gamot na ito ay ginagamit upang mapigilan ang kidney stones sa mga pasyente na mayroong tiyak na minanang sakit (cystinuria). Ang Cystinuria ay nangyayari kapag mayroong labis na tiyak na naturang sangkap (ang amino acid cystine) sa iyong ihi, na nangunguna sa pagbuo ng kidney tones. Ang Tiopronin ay gumagawa sa cystine na matunaw sa ihi. Ang gamot na ito ay karaniwang ginagamit lamang pagkatapos ng iba pang mga pamamaraan na hindi matagumpay sa pag-iwas sa mga kidney stones o kapag ang mga pasyente ay hindi maaaring kumuha ng karaniwang gamot (d-penicillamine) para sa cystinuria. Inumin ang gamot ng 1 oras bago o 2 oras pagkatapos kumain, kadalasan 3 beses araw-araw o batay sa direksyon ng doktor. Ituloy ang pag-inom ng maraming tubig at uminom ng alkali na gamot (e. g. ,potassium citrate) batay sa direksyon ng iyong doktor. Sundin ang diyeta na inirerekomenda ng iyong doktor. Ang dosis ay base sa iyong kondisyong medikal at pagtugon sa terapiya. ...


Side Effect:

Ang kabawasan sa panglasa/pang-amoy, pagduwal, pagsusuka, kawalan ng gana sa pagkain, sakit ng tiyan, o pagtatae ay maaring mangyari. Kung alinman sa mga ito ay manatili o lumala, ayagarang sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko. Sabihin agad sa iyong doktor kung alinman sa mga bihira ngunit seryosong masamang epekto: palatandaan ng impeksyon (e. g. , lagnat, nanatili na pamamaga ng lalamunan), sakit ng kalamnan o kasukasuan, pamamaga ng lymph nodes, pagkulubot/pagnipis ng balat, pagkapagod, mabilis/kumakabog na tibok ng puso, mabilis na pagkapasa/pagdurugo, umuubo ng dugo, pagkaunti ng dami ng ihi, masakit na pag-ihi, madilim/malabo/madugo na ihi, igsi ng paghinga, panghihina ng kalamnan, pangingisay, pagmanhid/pangingimay ng braso/hita. Sabihin agad sa iyong doktor kung alinman sa bihira ngunit seryosong masamang epekto ay nangyayari:paninilaw ng balat/mata, nanatili na pagduwal/pagsusuka, malubhang pagsakit ng tiyan/sikmura. Ang labis na seryosong reaksyong alerdyi, kabilang ang:pantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha/dila /lalamunan), malubhang pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Bago uminom ng tiopronin, sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko kung ikaw ay nakakaranas ng alerdyi sa gamot na ito o kung ikaw ay nagkaroon ng malubhang masamang epekto (e. g. , sakit sa dugo) mula dito: o kung ikaw ay may iba pang alerdyi. Ang produkto ay maaring maglaman ng hindi aktibong sangkap, na maaring magdulot ng reaksyong alerdyi o iba pang problema. Bago gumamit ng gamot, ay sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo na:sakit sa dugo (e. g. , anemia, mababang bilang ng mgavplatelet), sakit sa atay , sakit sa bato. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor.

...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».