Titradose, Isordil
BCM | Titradose, Isordil (Medication)
Desc:
Titradose Isordil/isosorbide dinitrate ay nagpapalaki (nagpapalawak) ng daluyan ng dugo, na nagpapadali para sa dugo na dumaloy dito at nagpapadali sa pagbomba ng puso. Ang gamot na ito ay ginagamit para maiwasan ang atake ng sakit sa dibdib (angina). Ang sublingual tablet lamang ang dapat na gamitin na gamot para sa atake ng angina na nagsimula na. ...
Side Effect:
Ang Titradose Isordil ay maaring magsanhi ng pagbagsak ng presyon ng dugo kapag tumatayo galing sa posiyon ng pagkaka-upo (othostatic hypotension), na nagsasanhi ng pagkahilo, mabilis na pagtibok ng puso at panghihina. Ang pananakit ng ulo ang pinaka madalas na masamang epekto at kadalasan ay dose-related (dinagdagan ng mas mataas na dosis). Ang pamumula ay maaring mangyari dahil ang isosorbide dinitrate na nagpapalaki ng daluyan ng dugo. Ipaalam agad sa iyong doktor kung ang mga bihira ngunit seryosong masamang epekto ay nangayayari:pagkahimatay/hindi regular/kumakabog na tibok ng puso. Ang labis na seryosng reaksyong alerdyi sa gamot na ito ay bihira. ...
Precaution:
Bago gumamit ng gamot, ay sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo na: kung may anemia, mababang presyon sa dugo, labis na kawalan ng tubig sa katawan (dehydration), ibang problema sa puso (katulad ng kamakailan lamang na atake sa puso). Ang gamot na ito ay maaring makapagpahilo sa iyo. Huwag magmaneho, gumamit ng makinarya o gumawa ng mga aktibidad na nangangailang sayo na maging alerto hanggang sa ikaw ay sigurado na magagampanan ang mga aktibidad nang ligtas. Limitahan ang mga inuming nakalalasing. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...