Tocainide - oral
Unknown / Multiple | Tocainide - oral (Medication)
Desc:
Ang Tocainade ay kasama sa mga grupo ng gamot na kilala bilang antiarrhythmics. Ang Tocainide-oral ay ginagamit para gamutin ang hindi regular na ritmo ng puso (arrhythmias) at mapanatili ang normal na tibok ng puso. Ito ay mas mabuting inumin ng walang laman ang tiyan kasabay ng isang buong baso ng tubig, ngunit maari rin na inumin ng may pagkain o gatas kung ang pagsakit ng sikmura ay mangyari. ...
Side Effect:
Ang pinakamadalas na masamang epekto ay:pagduwal, kawalan ng gana, pagsusuka, pagkahilo, sakit ng ulo, pagpapawis, malabong paningin, pagkamanhid o pangingimay ng mga daliri sa kamay o paa, pagkalito o pagkaba ay maaring mangyari habang ang iyong katawan ay nag-aadjust sa gamot. Kung ang mga epekto ay mananatili o lumubha, sabihin sa iyong doktor. Ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay nagkaroon ng;sakit sa dibdib , mabilis na pagtibok ng puso, madaling magkapasa o pagdurugo, pantal, igsi ng paghinga, hirap sa paghinga, pag-ubo, nanatiling maga na lalamunan o lagnat. ...
Precaution:
Ang Tocainade ay maaring magdulot sa mga tao ng pagkahilo, paggaan ng ulo, o kabawasan ng pagiging alerto. Siguraduhin mong alam mo ang mga reaksyon mo sa gamot bago ka magmaneho, gumamit ng makinarya o gumawa ng anumang bagay na maaring maging mapanganib kung ikaw ay nahihilo o hindi alerto. Bago magkaroon ng anuman pag-oopera (kabilang ang dental surgery) o agarang gamutan, sabihin sa iyong medikal na doktor o dentista na namumuno na ikaw ay umiinom ng gamot na ito. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito na walang payo ng iyong doktor. ...