Tocilizumab Injection
Roche | Tocilizumab Injection (Medication)
Desc:
Ang Tocilizumab ay kabilang sa klase ng gamot na tinatawag na interleukin-6 (IL-6) receptor inhibitors na humaharang sa aktibidad ng interleukin-6, sangkap sa loob ng katawan na maaring magdulot ng pamamaga. Ang gamot ay ginagamit para gamutin ang rheumatoid arthritis sa mga pasyente na hindi tumugon sa iba pang gamutan katulad ng tumor necrosis factor (TNF) inhibitors. Ito ay maaring gamitin para gamutin ang systemic juvenile idiopathic arthritis. Ang systemic juvenile idiopathic arthritis. Ang iniksyon ng Tocilizumab ay ibinibigay (sa isang ugat) sa iyong braso ng isang propesyonal sa nangangalaga ng kalusugan sa isang ospital, sa loob ng 60 minuto, karaniwan tuwing 4 na linggo, o ayon sa direksyon ng iyong doktor. Ang gamot na ito ay gumagamot at pinapagaan lamang ang mga sintomas, ngunit hindi nakakagamot ng iyong kondisyon...
Side Effect:
Katulad ng iba pang gamot, ang masamang epekto ay maaring mangyari. Ang pinakamadalas na maaring idulot ng Tocilizumab Injection ay: respiratory tract infection, sakit ng ulo, hypertension (mataas na presyon sa dug), problema sa atay, pantal, pamumula, pamamaga o pangangati sa bahagi ng katawan na iniksyunan. Kung alinman sa mga ito ay nanatili o lumala, ay tawagan ang iyong doktor. Ang mas malubha na masamang reaksyo ay kinabibilangan ng:reaksyong alerdyi-pantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha , o makating pantal:pamamaga ng mata, mukha, labi, dila, lalamuna, braso, kamay, paa, bukong-bukong o binti: hirap sa paghinga o paglunok: pagkahilo o pagkahimatay; pagbabago sa bowel habits; o hindi karaniwan na pagdurugo o pagkapasa. Kung napansin mo ang alinman sa mga ito ay humanap agad nang tulong medikal. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito ay ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay may iba pang uri ng alerdyi. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng iba pang gamot o kung ikaw ay nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon:kanser, divertikulitis; ulser sa iyong tiyan o bituka; anumang kondisyon na nakakaapekto sa sistema ng utak tulad ng multiple sclerosis; chronic inflammatory demyelinating polyneuropathy o sakit sa atay. Huwag tumggao ng mga immunizations o pagbabakuna nang walang pahintulot ng iyong doktor habang ginagamit ang gamot na ito. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor...