Avalide

Sanofi-Aventis | Avalide (Medication)

Desc:

Ang mga tableta ng Avalide ay may kombinasyon ng hydrochlorothiazide and irbesartan. Ang gamot na ito ay ginagamit upang gamutin ang mataas na presyon ng dugo (altapresyon). Ito ay gumagawa sa pamamagitan ng pagpapababa sa presyon ng dugo, sa pamamagitan ng pagpaparelaks sa mga ugat upang ang dugo ay dumaloy ng mas madali, tumutulong sa pagpipigil ng mga atakeng serebral, mga atake sa puso, at mga problema sa puso. Gamitin ang medikasyong ito sa pamamagitan ng bibig ayon sa dinirekta ng iyong doktor, kadalasan ay isang beses araw-araw ng may kasama o walang pagkain. Ang dosis ay nakabase sa iyong kondisyong medikal at pagtugon sa paggagamot. ...


Side Effect:

Katulad ng kahit anong gamot, ang Avalide ay pwedeng magsanhi ng mga epekto at ang pinakakaraniwan ay ang mga: sakit ng tiyan, pangangasim ng sikmura; sakit ng kalamnan; pagkahilo, pagkaantok; sakit ng ulo; makati o baradong ilong, pamamaga ng lalamunan; o tuyong bibig. Kung alinman sa mga ito ang tumagal o lumala, tawagan ang iyong doktor. Ang mga sumusunod ay mga higit na seryosong epekto, na nangangailangan ng alagang medikal: rekasyong alerdyi- hirap sa paghinga; pagsasara ng lalamunan; pamamaga ng labi, dila, o mukha; sakit ng mata, mga problema sa paningin; pakiramdam na parang mahihimatay; sakit ng dibdib;pagkakapos ng hininga, kahit na mayroong malumanay na pagpipilit; lagnat; pamamaga, mabilis na pagdagdag ng timbang; pag-ihi ng mas marami o kaunti kaysa karaniwang; o wala talaga; paninilaw; o tuyong bibig, dumalas na pagkauhaw, pagkaantok, pakiramdam ng walang kapahingahan, pagkalito, dumalas na pag-ihi, mabilis na tibok ng puso, pagkahilo, pagkahimatay, o sumpong (mga kombulsyon). ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay hindi hiyang dito, sa ibang mga gamot o may kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: sakit sa bato; sakit sa atay; kondyestib na pagpapalya ng puso; glawkoma; mababa o mataas na mga lebel ng potasa sa iyong dugo; hika o mga alerhiya; mataas na lebel ng kolesterol o trayglayserayd; gota; lupus; o dyabetis. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. kung ikaw ay mabuntis habang ginagamit ito, sabihin agad sa iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».