Tonocard
AstraZeneca | Tonocard (Medication)
Desc:
Ang Tonocard/tocainide ay indikasyon para sa paggamot ng dokumentado na ventricular arrhythmias, katulad ng pananatili ng ventricular tachycardia, na, sa paghuhusga ng mangagamot, ay nagbabanta sa buhay. Ito ay mas mabuting inumin ng walang laman ang tiyan kasabay ang pag-inom ng isang baso ng tubig, ngunit maari din na inumin nang may pagkain o gatas kung ang pagsakit ng sikmura ay mangyari. Ang gamot na ito ay gumagana ng mas maayos kung walang pagbabago sa antas ng gamot sa iyong katawan at dapat na inumin ng eksakto base sa preskripsyon at pantay na agwat sa buong araw at gabi. ...
Side Effect:
Ang pinakakaraniwan na masamang epekto ay:coma; kombulsyon/pangingisay, myasthenia gravis, depresyon; pagkabaliw; psychic disturbances; pagkabalisa; pagbaba ng katalinuhan sa pag-iisip; sysarthria; kapansanan sa memorya; pagtaas ng pagka-utal/bulol na pananalita; hindi pagkatulog/abala sa pagtulog; local anesthesia; hindi normal na pananaginip, labis na pagkasensitibo ang reaksyon (kasama ang iba pang mga sumusunod na sintomas o palatandaan; pantal, lagnat, sakit sa kasukasuan, pagsusuri sa hindi normal na paggawa ng atay, eosinophilia); pagtaas ng ANA,ventricular fibrillation; paghaba acute myocardial infarction; cardiogenic shock; pulmonary embolism; angina; AV block; hypertension; claudication; pagtaas ng QRS duration; pleurisy/pericarditis; pinahabang QT interval; right bundle branch block; cardiomegaly; sinus arrest; vasculitis; orthostatic hypotension; cold extremities ay maaring mangyari. ...
Precaution:
Katulad ng iba pang uri ng oral antiarrhythmics, ang Tonocard ay naiulant na nagpapataas ng arrhythmias sa ilang mga pasyente. Dahil ang antiarrhythmic drugs ay maaring hind imaging epektibo sa mga pasyente na may hypokalemia, ang posibilidad ng kakulangan sa potasyo ay dapat na saliksikin, kung naroon, ang kakulangan ay dapat na isa-ayos. Sa mga pasyente na may malubhang sakit sa atay at bato, ang bilis ng pag-alis ng gamot ay kinakailangan na mabawasan. Ang pag-iingat ay dapat na gamitin sa institusyon o pagtuloy ng antiarrhythmic therapy sa pagkakaroon ng mga palatandaan ng pagtaas ng depresyon ng conductivity ng puso. Sa mga pasyente na napag-alaman na may pagpalya ng puso o minimal na reserba ng puso, ang gamot ay dapat na gamiting nang may kasamang pag-iingat dahil sa potensyal na pagpapalala ng antas ng pagpalya ng puso. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...