Topiramate

Janssen Pharmaceutica | Topiramate (Medication)

Desc:

Ang Topiramate ay kabilang sa mga klase ng gamot na tinatawag na anticonvulsants at gumagana sa pamamagitan ng pagbaba ng mga hindi normal na kaguluhan sa utak. Ang gamot na ito ay ginagamit kasama ang iba pang gamot para mapigilan ang pangingisay sa mga nakatatanda at mga bata na may edad na 2 taon at may epilepsy. Ang gamot ay maari din na gamitin para maiwansan ang migraine na sakit ng ulo o mabawasan ang bilang ng atake, ngunit hindi ito gagana sa sakit ng ulo na nagsimula na. ...


Side Effect:

Ang pinaka karaniwang masamang epekto ng Topimarate ay:mabagal na pag-iisip, problema sa memorya, hirap na magpokus: problema sa pananalita o balanse: pagkamanhid o pangingimay o problema sa pagtulog (insomnia); pakiramdam ng pagod; sakit ng ulo; pagkahilo; o kawalan ng gana, pagbaba ng timbang. Kung alinman sa mga ito ang manatili o lumalala, ay tawagan ang iyong doktor. Ang mas malubha na masamang epekto ay kinabibilangan ng:isang alerdyi-pantal, pangangati, hirap sa paghinga, malubhang pagkahilo, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha, o makating pantal; pagbabago ng kalooban/pag-uugali, depresyon, pagkabalisa, o kung ikaw ay nakakaranas ng pagkabalisa, pagkagalit, hindi mapakali, labis na pagiging aktibo (sa pag-iisip/pisikal), o may mga isipin ng pagpapakamatay o saktan ang sarili; biglaang pagkawala ng paningin, sakit sa palibot o sa likod ng mata; tuyong bibig, nadaragdagan na uhaw, pagkalito, pagka-antok, o kabawasan ng pawis , nadaragdagan na temperatura ng katawan, at mainit, tuyong balat, pagduwal, madalas na pag-ihi, sakit ng kalamnan o panghihina, mabilis na pagtibok ng puso, pakiramdam ng paggaan ng ulo, pagkahimatay, o pangingisay (kombulsyon); o labis na sakit sa gilid o sa ibaba ng likod, masakit at mahirap na pag-ihi. Kung napansin mo ang alinman sa mga ito ay humanap ng agarang tulong medikal. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot ay ipaalam sa iyong dokotor kung ikaw ay mayroong iba pang uri ng alerdyi. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng iba pang gamot at ikaw ay mayroon o nagkaroon ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon:metabolic acidosis; acidosis; diyabetis; glaucoma; hika o chronic obstructive pulmonary disease;depresyon o hindi normal na kalooban; isang problema sa paglaki: o sakit sa atay o bato. Dahil ang Topiramate ay maaring maging sanhi ng pagkahilo, pagka-antok at problema sa paningin huwag magmaneho o gumamit ng makinarya, hanggang sa ikaw ay sigurado na magagampanan ang mga aktibidad nang ligtas. Limitahan din ang inuming nakalalasing. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».