Topotecan - injection

Hospira | Topotecan - injection (Medication)

Desc:

Ang Topotecan - injection ay ginagamit para gamutin ang kanser sa obaryo o baga kung ang ibang mga gamutan ay hindi naging matagumpay. Ito din ay ginagamit kasama ang iba pang gamot (cisplatin) para gamutin ang kanser sa cervix. Ito rin ay ginagamit upang gamutin ang iba pang uri ng kanser (katulad ng kanser sa buto) . Ang gamot ay ibinibigay sa pamamagitan ng iniksyon sa ugat ng isang propesyonal na tagapangalaga ng kalusugan. ...


Side Effect:

Ang labis na seryosong reaksyong alerdyi sa gamot na ito ay bihira. Subalit, kumuha ng agarang tulong medikal kung napansin mo ang mga sintomas ng isang seryosong reaksyong alerdyi, katulad ng:pantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha/dila/lalamunan), labis na pagkahilo, hirap sa paghinga. Sabihin sa iyong doktor kaagad kung ikaw ay may seryosong masamang epekto, katulad ng:sakit/pamumula/pagkapasa sa bagi na iniksyunan, pamamanhid/pangingimay ng braso/hita, paninilaw ng mata/balat, madilim na kulay ng ihi, problema sa baga (katulad ng ubo, hirap sa paghinga). Kahinaan, pagkapagod, sakit ng ulo, ubo, pagduwal, pagsusuka, pagtatae,paninigas ng dumi, sakit ng tiyan, kawalan ng gana, at singaw ay maaring mangyari. Ang paduwal at pagsusuka ay maaring lumala. Ang hindi permanenteng pagkalagas ng buhok ay maaring mangyari. Ang normal na pagtubo ng buhok ay dapat na bumalik kapag natapos ang gamutan. ...


Precaution:

Kumonsulta sa iyong fdoktor para sa iba pang detalye at para talakayin ang paggamit ng 2 maasahan na uri ng pagkontrol sa panganganak (e. g. , condoms, birth control pills) habang iniinom ang gamot na ito. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. Huwag tumanggap ng immunizations/pagbabakuna nang walang pagsang-ayon ng doktor, at iwasan na makipag-ugnayan sa mga tao na kamakailan ay tumanggap ng pagbabakuna sa polio o sa lagnat na nalalanghap sa ilong. Bago gamitin ang gamot, sabihin sa iyong doktor ang iyong medikal na kasaysayan, lalo na:ang sakit sa dugo/bone marrow (e. g. ,antas ng mababang platelet/selula ng puting dugo/selula ng pulang dugo),sakit sa bato, sakit sa atay. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».