Toprol XL

AstraZeneca | Toprol XL (Medication)

Desc:

Ang Toprol XL/metoprolol ay ginagamit nang mayroon o walang kasabay na ibang gamot upang gamutin ang mataas ng presyon ng dugo (hypertension). Ang pagbaba ng mataas na presyon ng dugo ay nakakatulong para maiwasan ang stroke, atake sa puso at problema sa kidney. Ang gamot din ay ginagamit para gamutin ang sakit sa dibdib(angina) at para mapabuti ang kaligtasan pagkatapos ng atake sa puso. Ang Metropolol ay kabilang sa klase ng gamot sa dugo na kilala bilang beta blockers. Ito ay humaharang sa aksyon ng tiyak na naturang kemikal sa iyong katawan, katulad nag epinephrine, sa puso at sa daluyan ng dugo. ...


Side Effect:

Ang gamot sa pangkalahatan ay kinakaya. Ang masamang epekto ay kinabibilangan ng paninigas ng tiyan, pagtatae, paninigas ng dumi, labis na pagod, hindi pagkatulog, pagduwal, depresyon, pananaginip, pagkawala ng memorya, kawalan ng lakas, paggaan ng ulo, mabagal na pagtibok ng puso, mababang presyon ng dugo, panlalamig ng kamay at paa, chronic bronchitis, or emphysema. Sa mga pasyente na may pagbagal na pagtibok ng puso (bradycardias) at pagbabara sa puso (depekto sa electrical na nagpapadaloy sa puso), ang metropolol ay maaring magdulot ng panganib na magpabagal sa pagtibok ng puso, at pagkabigla. Ang Toprol XL ay nagpapababa ng pwersa sa contraction ng kalamnan sa puso at maaring maging sani ng sintomas ng pagpalya ng puso. Sa mga pasyenteng may coronary artery disease, ang mabilisang pagtigil ng metropolol ay maaring magpalala ng angina, at paminsan-minsan ay pasiklabin ang atake sa puso. ...


Precaution:

Huwag itigil ang pag-inom ng gamot ng walang pagsang-ayon ng iyong doktor. Ang ibang kondisyon ay maaring lumalala kapag biglaang itinigil ang gamot na ito. Ang ibang mga tao na biglaang itinigil ang kapareho ng gamot na ito ay nagkakaroon ng sakit sa dibdib, atake sa puso at hindi regular na pagtibok ng puso. Kung ang iyong doktor ay napagdesisiyunan na hindi mo na dapat itigil ang gamot na ito, siya ay maaring idirekta sayo na bawasan ang dosis sa 1 hanggang 2 linggo. Kung dahan-dahan itinigil ang gamot, ito ay inirerekomenda na pansamantalang limitahan ang mga pisikal na aktibidad para maiwasan ang pagpuwersa sa puso. Kumuha ng agad ng tulong medikal kung ikaw ay nakakaramdam ng paninikip ng dibdib/paghigpit/presyon, sakit ng dibdib na kumakalat sa panga/leeg/braso, hindi pangkarinawan na pagpapawis, o mabilsi/hindi regular na pagtibok. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».