Avastin
Roche | Avastin (Medication)
Desc:
Ang Avastin ay kilala rin bilang bevacizumab na isang gamot sa kanser na gumagawa sa pamamagitan ng pagpapabagal sa paglaki ng mga selula ng kanser at pagkalat nito sa katawan. Ang Avastin ay ginagamit upang gamutin ang ilang uri ng tumor sa utak, at ilang uri ng kanser sa bato, baga, kolon at pwet. Ang Avastin ay tinuturok sa ugat ng isang propesyonal sa alagang pangkalusugan sa ospital o klinika. Huwag gagamitin ang Avastin sa loob ng kahit 4 linggo pagkatapos ng operasyon; o hanggang ang iyong mga surhikal na sugat ay maghilom. ...
Side Effect:
Kasama sa mga kinakailangang epekto nito, ang Avastin ay pwedeng magsanhi ng mga epektong tulad ng: malumanay na sakit ng ulo; sakit ng likod; pagtatae, kawalan ng ganang kumain; mga sintomas ng sipon tulad ng baradong ilong, pagbahing, pamamaga ng lalamunan; tuyo o matubig na mga mata; tuyo o nagtutuklap na balat, pagkalagas ng buhok; pagbabago sa panlasa; o sakit, pamamaga, pamamanhid ng panga, umuugang ngipin, inpeksyon sa galagid. Ang Avastin ay pwedeng magsanhi ng madalang ngunit seryosong neurolohikal na karamdamang nakakaapekto sa utak. Kung ikaw ay makaramdam ng mga hindi pangkaraniwang sintomas, humingi ng agarang alagang medikal. Gayun rin kung mangyari ang mga ito: kahit anong sugat na hindi gumagaling; matinding sakit ng tiyang may kasamang lagnat, pagsusuka, at konstipasyon; dugo sa iyong ihi o dumi, sukang parang dugo o kapeng durog; madaling pagpapasa, hindi pangkaraniwang pagdurugo (ilong, bibig, ari ng babae, pwet); lagnat, ginaw, sakit ng katawan, mga sintomas ng trangkaso, sugat sa iyong bibig at lalamunan; biglang pamamandig o panghihina, matinding sakit ng ulo, pagkalito, o mga problema sa paningin, pananalita, o balanse; sakit, pamamaga, init, o pamumula sa isa o parehong binti; sakit ng dibdib o mabigat na pakiramdam, sakit na umaabot hanggang braso o balikat, pagduduwal, pamamawis, kabuuang masamang pakiramdam; mapanganib na altapresyon; mapintog na mata, pamamaga ng iyong tiyan, braso, o binti; mabilis na pagdadad ng timbang, mga problema sa pag-ihi; o paglaktaw ng regla. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay hindi may kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: karamdaman sa pagdurugo o pamumuo ng dugo; kasaysayan ng pagdurugo sa tiyan o bituka; kasaysaysan ng pagkakaroon ng butas sa iyong lalamunan, tiyan, o bituka; sakit sa puso, kondyestib na pagpapalya ng puso; altapresyon; o kasaysayan ng atake sa puso, atakeng serebral, o namuong dugo. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...