Trimox
Bristol-Myers Squibb | Trimox (Medication)
Desc:
Ang Trimox/amoxicillin ay isang antibayotiko sa mga pangkat ng gamot na tinatawag na penicillin. Ito ay lumalaban sa mga bakterya sa katawan. Ang Trimox ay ginagamit upang gamutin ang iba't-ibang uri ng mga impeksyon na dulot ng bakterya. Ang gamot na ito ay kalimitan na ginagamit kasama ang ibang gamot na antibayotiko na tinatawag na clarithromycin (Biaxin) upang gamutin ang ulcer sa tiyan na dulot ng Helicobacter pylori infection. Ang kombinasyon ay minsan ginagamit kasama ang pampabawas ng asido sa tiyan na kilala sa tawag na lanzoprazole. ...
Side Effect:
Humanap ng madaliang tulong medikal kung ikaw ay makakaranas ng mga palatandaan reaksyong alerdyi sa Trimox: pamamaga; hirap sa paghinga; pamamaga ng mukha, dila, labi o lalamunan. Tawagan ang iyong doktor kung mararanasan ang mga sumusunod na seryosong mga epekto: lagnat, pamamaga ng lalamunan, pananakit ng ulo na may kasamang pagpapaltos, pagbabalat, namumulang pamamanta; pagduduwal, pananakit ng tiyan; mababang lagnat, pagkawala ng gana kumain, madilim na kulay ng ihi, kulay putik na dumi, paninilaw mata o balat; pagtatae na matubig o may dugo; lagnat, panginginig, pananakit ng katawan, sintomas ng trangkaso; madaling pagsusugat o pagdurugo, kakaibang panghihina; pag-ihi ng kaunti kaysa dati o hindi pag-ihi; pagbalisa, pagkalito, kakaibang iniisip o pag-uugali; sisyur. Hindi gaanong malubhang epektor ng Trimox ay kadalasang mararanasan tulad ng pagduduwal, pagsusuka, pananakit ng tiyan; pangangati ng ari ng babae o paglabas ng likido; pananakit ng ulo; pamamaga, maitim ay mabuhok na dila; pagkakaroon ng mga puti-puting parte ng dila o lalamunan. ...
Precaution:
Huwag gagamitin ang Trimox kung ikaw ay may alerdyi sa amoxicillin o sa iba pang antibayotikong penicillin tulad ng ampicillin, dicloxacillin, oxacillin, penicillin at iba pa. Bago gumamit ng Trimox, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong alerdyi sa cephalosporins. Ipaalam din sa iyong doktor kung ikaw mayroong hika, sakit sa atay o bato, pagdurugo o sakit sa pamumuo ng dugo, mononucleosis (mono), o iba pang uri ng alerdyi. Ang Trimox ay maaaring makawala ng pagka-epektibo ng mga tabletang nagkokontrol na mabuntis. Gumamit ng Trimox sa buong panahon na nireseta ng iyong doktor. Ang iyong mga sintomas ay maaaring maging mabuti bago makumpleto ay iyong iniksyon. Ang Trimox ay hindi magagamot ang mga impeksyon dala ng mga bayrus tulad ng pangkaraniwang sipon o trangkaso. Huwag bibigyan ng Trimox sa ibang tao kahit sila ay may sintomas kagaya ng sa iyo. ...