Trionate
GlaxoSmithKline | Trionate (Medication)
Desc:
Ang Trionate/chlorpheniramine, antohistamine ay isang antihistamine na nagpapababa ng mga natural na kemikal na histamine sa katawan. Ang gamot na ito ay pumipigil sa ubo. Ang Trionate ay hindi magpapagaling ng ubo na dulot ng paninigarilyo, hika o empaysema. ...
Side Effect:
May mga epekto na maaaring maranasan matapos gumamit ng gamot na ito tulad ng pagkahilo, pagkaantok, pagduduwal, pananakit ng tiyan, hirap sa pagdumi, paglabo ng paningin. Kung ang mga epektong ito ay manatili o maging malubha, ipaalam sa iyong doktor o parmasyutiko agad. Agad ipaalam sa iyong doktor kung ang mga sumusunod na mga madalang ngunit malubhang epekto ay maranasan: hirap sa pag-ihi, mabilis /hindi regular na tibok ng puso, pagbabago ng isip/saloobin (hal. pagkabalisa, pagkakaba), sisyur. Madalang ang mga seryosong reaksyong alerdyi. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito ay ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong sakit sa puso, mataas na presyon ng dugo, empaysema, chronic bronchitis, sakit na sisyur, glaucoma, sakit sa bato, sakit sa teroydeyo, lumalaking prosteyt, problema sa pag-ihi, o iba pang alerdyi sa gamot o pagkain. Iwasan ang pag-inom ng alak habang naggagamot ng carbetapentane at chlorpheniramine. Huwag gagami ng iba pang gamot na di nangangailangan ng reseta para sa ubo, sipon, alerdyi o mga gamot pampatulog nang walang pagsangguni sa iyong doktor o parmasyutiko. Kung ikaw ay gagamit ng mga iba pang produkto, maaaring masobrahan ang paggamit ng isa o iba pang uri ng gamot. ...