Triptorelin long - acting suspension - injectable
Unknown / Multiple | Triptorelin long - acting suspension - injectable (Medication)
Desc:
Ang Triptorelin ay ginagamit upang gamutin ang malalang kanser sa prosteyt sa mga kalalakihan. Ito ay hindi lunas. Ang karamihang uri ng kanser sa prosteyt ay nangangailangan ng panlalaking hormon na testosterone upang lumaki at kumalat. Ang Triptorelin ay isang gamot na nagpapababa ng bilang ng testosterone na ginagawa ng katawan. Ang epektong ito ay tumutulong na na mapigilan o mapabagal ang paglaki ng mga selula ng kanser at tulungang mapabuti ang mga sintomas tulad ng masakit o hirap sa pag-ihi. Ang gamot na ito ay katulad ng ibang natural na sangkap na gawa ng sariling katawan (luteinizing hormone na nilalabas ng hormone-LHRH). Kausapin ang iyong doktor ukol sa mga panganib at benepisyo ng paggagamot. ...
Side Effect:
Ang pinaka karaniwang epekto ng gamot na ito na maaaring manatili o maging abala ay ang mga sumusunod: pagbabago ng laki ng dibdib; hirap sa pagdumi; pagbaba ng libido o abilidad nito; pagtatae; pagkahilo; pananakit ng ulo; mainit na pakiramdam; pangangati, pananakit, pamumula, o pamamaga sa lugar ng iniksyon; pagkawala ng gana kumain; pagduruwal; pagkawala ng tulog; pagkabalisa ng tiyan; pagkahapo o panghihina; pagsusuka. Agad humanap ng atensyong medikal kung ang mga sumusunod na mga malubhang epekto ay maranasan habang gumagamit ng Triptorelin: matinding reaksyong alerdyi (pamamantal; pangangati; hirap sa paghinga; paninikip ng dibdib; pamamaga ng bibig, mukha, labi o dila; kakaibang pamamalat); pananakit nglikod; pagkakaroon ng dugo sa ihi o madilim na kulay nito; pananakit ng mga buto; pananakit ng dibdib; nakakapasong pakiramdam, pamamanhid, o pangingirot; pananakit ng hita o binti; pagkahimatay; mabilis o hindi regular na tibok ng puso; lagnat, panginginig o paulit-ulit na pamamaga ng lalamunan; pabago-bago ng pag-iisip o ng saloobin (hal. depresyon); masakit na pag-ihi; matindi o paulit-ulit na sakit ng ulo, pagkaantok o pagkahilo; matindi o paulit-ulit na pananakit ng mga kasu-kasuan, kalaman, o ng likod; matindi o paulit-ulit na pagkapulikat ng binti; hirap sa pag-hinga; biglaan at hindi pangkaraniwang pagdagdag ng timbang; pamamaga ng kamay, bukong-bukong, paa o binti; sintomas ng atake sa puso (hal. pananakit ng dibdib, panga, kaliwang braso; pamamanhid ng braso o pamumutla; amoy prutas na hininga; pagka-uhaw, pagka-gutom, pag-ihi) sintomas ng istrok (hal. pagkalito, panghihina ng isang bahagi ng katawan, pag-uutal) hirap sa pag-ihi o hindi pag-ihi; kakaibang pagkapagod o panghihina; pagbabago ng paningin. ...
Precaution:
Maaaring ikaw ay mangailangan ng dosis ng triptorelin o ispesyal na pagsusuri kung ikaw ay mayroon ng mga sumusunod na mga kondisyon: anumang uri ng kanser na kumalat na sa iyong gulugod o spine, bara sa iyong pantog o suliranin sa pag-ihi, diyabetis, sakit sa puso, mataas na presyon ng dugo, pagdagdag ng timbang kamakailan, mataas na kolesterol (lalo na sa mga lalaki), sakit sa puso, mataas na kolesterol, kasaysayan ng atake sa puso o istrok; o kung ikaw ay naninigarilyo. ...