Ulipristal
Watson Pharmaceuticals | Ulipristal (Medication)
Desc:
Ang Ulipristal ay isang emergency contraceptive. Gumagana ito sa pamamagitan ng pagtigil o pag-antala ng paglabas ng isang itlog mula sa obaryo. Ang ulipristal ay maaari ding gawing mas mahirap para sa isang fertilized egg na kumapit sa matris. Ginagamit ang Ulipristal upang maiwasan ang pagbubuntis pagkatapos makipagtalik nang hindi gumagamit ng condom o iba pang mabisang paraan sa pagkontrol ng pagbubuntis. Ginagamit din ang Ulipristal upang maiwasan ang pagbubuntis matapos mabigo ang isang regular na anyo ng birth control. Ang Ulipristal ay hindi dapat ginagamit bilang isang regular na anyo ng pang-araw-araw, lingguhan, o buwanang pagpipigil sa pagbubuntis. ...
Side Effect:
Maaaring makapinsala ang Ulipristal sa hindi pa isinisilang na sanggol o maging sanhi ng mga depekto sa pagsilang dito. Huwag gamitin kung ikaw ay buntis. Ang Ulipristal ay hindi dapat gamitin bilang isang regular na anyo ng pang-araw-araw, lingguhan, o buwanang pagpipigil ng pagbubuntis, at hindi dapat gamitin upang wakasan ang nangyayaring pagbubuntis. Bago uminom ng ulipristal, ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang naging kasaysayan ng pagbubuntis na ectopic (tubal), o kung ang iyong huling regla ay nangyari ng mababa sa 4 na linggong nakaraan. Ipaalam din sa iyong doktor ang tungkol sa lahat ng iba pang mga gamot na iyong ginagamit. Kumuha ng emerhensiyang tulong medikal kung mayroon ka ng alinman sa mga palatandaan ng isang reaksiyong alerhiya: mga pantal; hirap sa paghinga; pamamaga ng iyong mukha, labi, dila, o lalamunan. Agad ng tumawag sa iyong Doktor kung nakakaranas ka ng matinding sakit sa iyong ibabang parte ng tiyan (lalo na sa isang gilid lamang) 3 hanggang 5 linggo pagkatapos gumamit ng ulipristal. Maaaring kasama sa hindi gaanong seryosong mga epekto ang: pananakit ng ulo; pagkahilo, pagod na pakiramdam; pagduwal, pananakit ng tiyan; o pananakit habang nagreregla. ...
Precaution:
Maaaring mapinsala ng Ulipristal ang hindi pa isinisilang na sanggol o maging sanhi ng mga depekto sa pagsilang dito. Huwag gamitin kung ikaw ay buntis. Ang Ulipristal ay hindi dapat gamitin bilang isang regular na anyo ng pang-araw-araw, lingguhan, o buwanang pagpipigil sa pagbubuntis, at hindi dapat gamitin upang wakasan at tapusin ang pagbubuntis. Hindi ka dapat gumamit ng ulipristal kung ikaw ay may alerhiya dito, o kung nakumpirma mo na ikaw ay nagbubuntis na. Bago uminom ng ulipristal, ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang isang kasaysayan ng pagbubuntis ng ectopic (tubal), o kung ang iyong huling panahon ng panregla ay mas mababa sa 4 na linggong nakaraan. Ipaalam rin sa iyong doktor ang tungkol sa lahat ng iba pang mga gamot na iyong ginagamit. Tawagan ang iyong doktor kung ang iyong susunod na pagregla huli ng mahigit sa isang linggo. Kakailanganin mong mag-pregnancy test upang matiyak na ikaw ay hindi nagbubuntis. Huwag kumuha ng pangalawang kurso ng ulipristal. Agad na tawagan ang iyong Doktor kung mayroon kang matinding pananakit sa ibabang parte ng iyong tiyan (lalo na sa isang gilid lamang) 3 hanggang 5 linggo pagkatapos gumamit ng ulipristal. ...