Avinza

King Pharmaceuticals | Avinza (Medication)

Desc:

Ang Avinza/morphine ay nasa isang grupo ng mga gamot na tinatawag na narcotic pain relievers. Ang medikasyong ito ay ginagamit upang tulungang paginhawahin ang malumanay hanggang katamtamang patuloy na sakit tulad ng dahil sa kanser, ngunit hindi ito para gamutin ang sakit pagkatapos ng operasyon maliban nalang kung gumagamit ka na nga morphine bago ang operasyon. Inumin ang gamot na ito ng mayroon o walang pagkain, kadalasan ay isang beses araw-araw ayon sa dinirekta ng iyong doktor. Ang dosis ay nakabase sa iyong kondisyong medikal at pagtugo sa paggagamot. Huwag tataasan ang dosis o dadalasan ng walang abiso ng iyong doktor. ...


Side Effect:

Ang mga epektong tulad ng pagduduwak, pagsusuka, konstipasyon, pagkahilo, o pagkaantok ay maaaring mangyari. Tawagan ang iyong doktor kung ang mga ito ay tumagal o lumala. Ang mga mas seryosong epekto ay may kasamang: reaksyong alerdyi - pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalalumunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. Pagbabago ng kaisipan/kalooban tulad ng agitasyon, pagkalito, mga halusinasyon; matinding sakit ng tiyan; hirap umihi; pagkahimatay; sumpong, mabagal o mababaw na paghinga; hindi pangkaraiwang pagkaantok o hirap gumising. Kung alinman sa mga kasong ito, humingi ng agarang tulong medikal. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay may kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: mga karamdaman sa utak tulad ng pinsala sa ulo, tumor, mga sumpong; mga problema sa paghinga tulad ng hika, sleep apnea, chronic obstructive pulmonary disease; sakit sa bato; sakit sa atay; mga karamdaman sa pag-iisip/kalooban tulad ng pagkalito at depresyon; pansarili o pampamilyang kasaysayan ng regular na pag-abuso sa droga/alak; mga problema ng tiyan tulad ng pagbabara, konstipasyon, pagtatae dahil sa inpeksyon, paralitikong ileus; o hirap sa pag-ihi. Dahil ang Avinza ay pwedeng magdulot ng pagkahilo at pagkaantok, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa nasisiguro mo ng kaya mo ng gawin ang gawaing ito ng ligtas. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. Ang Amprenavir ay pwedeng magpababa sa pagkaepektibo ng mga tabletang pangontrol sa pag-aanak, kaya naman gumamit ng pag-iingat na paraan. Kung ikaw ay mabuntis habang gumagamit nito, agarang sabihin ito sa iyong doktor. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».