Ultiva
GlaxoSmithKline | Ultiva (Medication)
Desc:
Ang Ultiva/remifentanil ay itinuturo para sa intravenous administration bilang analgesic agent para gamitin habang tinatalaga at pinapanatili ang general na anestisya para mga inpatient at outpatient na mga pamamaraan, para sa pagpapatuloy bilang analgesic sa agarang postoperative na panahon sa mga matatandang pasyente sa ilalim ng pamamahala ng anesthesia practitioner sa isang postoperative anesthesia care unit o sa lugar ng intensive care, bilang bahagi ng analgesic ng minomonitor na anesthesia care sa matatandang pasyente. Ang patuloy na pagbibigay ng ULTIVA ay kailangang ginagawa lamang gamit ang kagamitan para sa infusion. ...
Side Effect:
Ang pagkahilo, pagka-antok, pagduduwal, pagsusuka, panginginig, o pananakit ng ulo ay maaaring maranasan. Kung patuloy na mararanasan o lumala ang mga nabanggit na mga epekto, ipaalam agad sa iyong Doktor o Parmasyutiko. Ipaalam sa iyong Doktor kung mararanasan ang alinman sa mga sumusunod na seryosong epekto: mabagal o iregular na pagtibok ng puso, lagnat, pagsikip ng mga kalamnan o dibdib, problema sa paghinga, mga atake. Bihira ang alerhiya sa gamot na ito ngunit humingi ng agarang tulong na medikal kung mararanasan ito. Ang sintomas ng pagkakaron ng alerhiya ay: pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga. Kung makakaranas ng iba pang mga epekto na wala sa mga nabanggit, ipaalam sa iyong Doktor o Parmasyutiko. ...
Precaution:
Ipaalam sa iyong Doktor ang iyong medical history, lalo na ang tungkol sa: pinsala sa ulo, sakit sa baga (halimbawa: hika, emphysema), at iba pang uri ng alerhiya na nararanasan (lalo na kung ito ay codeine or fentanyl). Ang gamot na ito ay nagpapahilo o nagpapaantok; mag-ingat sa paggamit nito kapag gumagawa ng mga aktibidad na nangangailangan ng pagkaliki gaya ng pagmamaneho o paggamit ng mga makina hanggang mawala ang pagkahilo o pagkaantok na dala ng anestisya o ng gamot na ito. Iwasan ang mga inuming may alkohol sapagkat maaari nitong palubhain ang pagkahilo o pagkaantok na dulot ng gamot na ito. Pinapayuhang magingat sa paggamit ng gamot na ito sa mga matatanda sapagkat sila ay maaaring maging mas sensitibo sa mga epekto ng gamot. Mag-ingat sa paggamit ng gamot na ito sa mga pasyenteng may labis na timbang. Ang gamot na ito ay dapat gamitin lamang kapag kailangan sa pagbubuntis. ...