Ultracet
Janssen Pharmaceutica | Ultracet (Medication)
Desc:
Ang Ultracet/tramadol at acetaminophen ay ginagamit sa pagpapagaan ng sakit, nagdudulot ng mas maayos na pagpapagaan sa sakit kumpara sa ibang mga ginagamit na gamot. Ang Ultracet ay isang gamot na inerereseta lamang at kailangang inumin, mayroon o walang kinain, karaniwan kada apat hanggang anim na oras, kung kinakailangan o kung anong payo ng iyong Doktor. Ang dosis ay binabase sa iyong medikal na kundisyon at pagtugon sa paggamot. Huwag taasan ang dosis o dalas ng walang payo galing sa iyong Doktor. ...
Side Effect:
Kabilang sa mga kailangang epekte nito, ang Ultracet ay maaaring magdulot ng mga malulubhang masasamang epekto kagay ng: alerhiya - pantal, pangangati, problema sa paghinga, matinding pagkahilo, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o pamamantal; atake (kombulsyon); namumulang, namamaltos at namamalat na pantal sa balat; mababaw na paghinga, mahinang pulso, halusinasyon, hindi pangkaraniwang pagkapagod, pagkawala ng koordinasyon, mabilis na tibok ng puso, matinding pagkahilo, hindi maipaliwanag na lagnat, matinding pagduduwal, pagsusuka, pagtatae, pagkibot ng mga kalamnan, matingkad na ihi, pananakit ng tiyan/sikmura, paninilaw ng mga mata o balat. Kung mararanasan of mga nabanggit, humingi ng agarang tulong na medikal. Ang mga pangkaraniwan ngunit hindi gaanong seryosong epekto ay: pagkahilo, pagkaantok, panghihina; pagduduwal, pagsusuka, hirap sa pagdumi, pagkawala ng gana kumain; paglabo ng paningin; pamumula; o problema sa pagtulog (insomia). Kung patuloy na mararanasan o lumala ang alinman sa mga nabanggit, ipaalam sa iyong Doktor. ...
Precaution:
Bago gumamit ng gamot na ito, ipaalam sa iyong Doktor kung ikaw ay may alerhiya dito, sa ibang gamot, o iba pang alerhiya. Ipaalam sa iyong Doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang gamot o ikaw ay mayroon o nagkaroon ng alinman sa mga sumusunod na kundisyon: sakit sa utak gaya ng pinsala sa ulo, tumor, pagatake, problema sa paghinga tulad ng hika, sleep apnea, o chronic obstructive pulmonary disease-COPD, sakit sa bato, sakit sa atay, problemang mental o pagiisip tulad ng pagkalito, depresyon, o pag-iisip ng pagpapakamatay, may personal o family history ng regular na paggamit o abuso ng ipinagbabawal na gamot o alkohol, problema sa tiyan at lamang loob katulad ng pagbara, hirap sa pagdumi, pagtatae dulot ng impkesyon, o paralytic ileus, o hirap sa pag-ihi. Dahil and Ultracet ay nagdudulot ng pagkahilo, pagkaantok, huwag magmaneho o gumamit ng mabibigat na makina hanggat hindi ka siguradong magagawa mo ang mga aktibidad na ito ng ligtas. Limitahan din ang paginom ng mga inuming may alkohol. Hindi inirerekomenda sa mga buntis at nagpapasuso ang paggamit ng gamot na ito ng walang payo galing sa Doktor. ...