Ultravate
Bristol-Myers Squibb | Ultravate (Medication)
Desc:
Ang Ultravate/halobetasol ay ginagamit sa paggamot ng iba't ibang uri ng kundisyon sa balat (halimbawa: eczema, dermatitis, alerhiya, pantal). Nababawasan nito ang pamamaga, pangangati at pamumula na dulot ng mga uri ng nabanggit na kundisyon. Ang gamot na ito ay napakatapang na corticosteroid. Gamitin lamang ang gamot na ito sa balat. Huwag itong gamitin sa mukha, singit at kili-kili maliban kung payo ng iyong Doktor. Linisan at patuyuin ang apektadong parte balat bago ilagay ang gamot na ito. Maglagay ng manipis na hibla ng gamot sa apektadong parte ng balat at dahan-daha itong pahid. Gawin ito isa o dalawang beses sa isang araw o sundin kung ano ang payo ng Doktor. ...
Side Effect:
Maaring maranasan ang pagkasunog, paghapdi, pagkati at pagkatuyo ng balat sa unang paggamit ng gamot. Mawawala ito pagkatapos ng ilang araw habang ang iyong katawan ay lumalapat sa gamot. Kung patuloy na mararanasan o lumala ang mga nabanggit na epekto, ipaalam agad sa iyong Doctor o Parmasyutiko. Madalang ngunit Ipaalam sa iyong Doktor kung mararanasan ang alinman sa mga sumusunod na masasamang epekto: stretch marks, pagnipis/pagbago ng kulay ng balat, pagdami ng tagyawat, labis ng pagtubo ng buhok, hair bumps (folliculitis). Maaaring lumala ang impekyon sa balat sa paggamit ng gamot na ito. Ipaalam agad sa iyong Doktor kung ang pamumula, pamamaga o pangangati ay hindi bumubuti. Madalang ngunit posibleng masipsip ang gamot galing sa balat papunta sa daluyan ng dugo. Maaari itong magdulot ng masasamang epekto dahil sa labis na corticosteroid. Ang masasamang epekto na ito ay maaring maranasan ng mga bata at ng mga matagal ng gumagamit ng gamot o sa malalaking lugar sa balat. Ipaalam sa inyong Doktor kung mararanasan ang mga masasamang epekto: hindi pangkaraniwan/labis na pagkapagod, pagbawas ng timbang, pagsakit ng ulo, pamamaga ng bukung-bukong/mga paa, madalas na pagkauhaw o pag-ihi, problema sa paningin. Madalang ang pagkakaron ng alerhiya sa gamot na ito ngunit humingi agad ng medikal na atensyon kapag ito ay naranasan. Ang mga sumusunod ay maaaring maging sintomas ng alerhiya sa gamot: pantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha/dila/lalamuna), labis na pagkahilo, hirap sa paghinga. Hindi ito ang kumpletong listahan ng mga posibleng masasamang epekto. Kung may ibang nararanasan na wala sa mga nabanggit, ipaalam sa iyong Doktor o Parmasyutiko. ...
Precaution:
Bago gumamit ng Ultravate, sabihin sa iyong Doktor o Parmasyutiko kung mayroong alerhiya o kung mayroon or nagkaroon ng mga sumusunod na kundisyon: mahinang daloy ng dugo, mga problema sa immune system, ibat-ibang kundisyon sa balat (rosacea, perioral dermatitis). Huwag gumamit nito kung may impeksyon o sugat sa lugar na ginagamot. Madalang na nagiging sanhi ng paggamit ng corticosteroid sa matagal na panahon o sa malaking parte ng balat ang mahirapan ang iyong katawan na rumesponde sa pisikal na stress. Ipaalam sa iyong Doktor o Dentista kung ikaw ay gumagamit or gumamit ng gamot na ito sa mga nakaraang buwan. Walang kasiguruhan ngunit ang gamot na ito ay maaring magpabagal sa paglaki ng isang bata kung gagamitin sa matagal na panahon. Hindi alam ang epekto nito sa tangkad ng mga matatanda. Magpatingin sa Doktor palagi upang matingnan ang tangkad ng iyong anak. Hindi inirerekomenda and paggamit ng gamot na ito sa mga buntis at nagpapasuso ng walang payo ng Doktor. ...