Avita
Mylan Laboratories | Avita (Medication)
Desc:
Ang Avita/tretinoin ay isang pangkasalukuyang porma ng bitaminang A na tumutulong sa balat upang baguhin ang sarili nito. Ito ay ginagamit sa paggagamot ng katamtamang akne na napinsala ng sobrang pagkababad sa araw. ...
Side Effect:
Kasunod ng aplikasyon ng tretinoin sa balat, kadalasang mayroong lokal na implamasyon. Ang reaksyong ito ay nawawal kapag naihinto na ang paggagamot. Ang malumanay na pagkirot o sensasyon ng init ay maaari ring mangyari sa paglalagay ng tretinoin. Ang panunuyo, pagtutuklap, pangangati, at pamumula ay maaaring madalas na mangyari. Kung ang matinding pamumula, mga vesicle o pamamalat ay mangyari, dapat na ipaalam ito agad sa isang manggagamot at ihinto ang paggamit ng tretinoin. Maaaring posibleng simulant muli ang terapiya ng mayroong mas mababang konsentrasyon. Ang ilang mga pasyente ay maaaring makaranas ng panimulang pagdami ng akne. Ang ilang mga pasyenteng gumagamit ng tretinoin ay naging mas sensitibo sa araw at mas malamang na magkaroon ng paso sanhi ng araw (potosensitibo). Kaya naman, inaabiso ang pag-iwas sa pagbababad ng mga nagamot na bahagi sa sobrang liwanag ng araw o UV na ilaw upang bawasan ang panganib ng matinding sunburn. ...
Precaution:
Iwasan ang pagbabad sa liwanag ng araw at atipisyal na UV na sinag (araw na ilaw o pangungulting higaan). Ang Avita ay pwedeng gawing mas sensitibo ang iyong balat sa liwanag ng araw at magresulta sa sunburn. Gumamit ng sunscreen (pinakamababa na ang SPF 15) at magsuot ng protektibong damit kapag lalabas at maaarawan. Iwasang mailagay ang gamot na ito sa iyong mga mata, bibig, at ilong o sa labi. Kung ang mga ito ay mapunta sa nasabing bahagi, hugasan ng tubig. Huwag gagamiti ang Avita sa balat na may sunburn, windburn, tuyo, tuklap, iritado, o may sugat. Gayun rin, ihinto ang paggamit ng medikasyong ito sa mga sugat o bahaging mayroong eksema. Hintayin hanggang sa ang mga kondisyong ito ay gumaling bago gumamit ng tretinoin topical. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...