Unoprostone isopropyl - ophthalmic
Unknown / Multiple | Unoprostone isopropyl - ophthalmic (Medication)
Desc:
Ang Unoprostone isopropyl ay ginagamit sa paggamot sa paglala ng presyon sa pagitan ng mata/mga mata (open-angle glaucoma) sa mga pasyenteng hindi kayang gumamit, o hindi maayos ang pagtugon sa ibang anti-glaucoma na mga gamot. Ang pagkontrol sa glawkoma ay maaaring makatulong sa pagpigil sa pagkabulag. ...
Side Effect:
Ang mga pinaka pangkaraniwang epekto ay:nasusunog o mahapding pakiramdam, pangangati, iritasyon ng mata or mga mata, pagkatuyo ng mata, pamamaga ng takipmata, matubig na mga mata, pagkahilo, pananakit ng ulo, o pagbabago ng haba ng pilikmata ay maaaring maranasan. Kung patuloy na mararanasan ang mga nabanggit na epekto, ipaalam agad sa iyong Doktor. Ipaalam agad sa iyong Doktor kung makakaranas ng alinman sa mga sumusunod na epekto: iba pang pagbabago sa pakiramdam o anyo ng mata/mga mata kabilang ang pamumula ng mata o pamamaga (halimbawa: conjunctivitis o pinkeye), pananakit ng mata, pagdudugo ng mata, hindi pangkaraniwang nana sa mata, pagiging sensitibo sa ilaw. Ipaalam kaagad sa iyong Doktor kung makakaranas ng mga sumusunod na bihira ngunit seryosong epekto ng paggamit ng gamot na ito: Pagitim ng takipmata/mga takipmata, paglaylay ng mga takipmata, ubo, hirap sa paghinga, hirap sa pagtulog, pananakita, pagdalas ng pag-ihi, hindi pangkaraniwang pagka-uhaw, pagbawas ng timbang, lagnat na may kasamang sipon o pagkabarado ng ilong, pananakit ng likod. Ang gamot na ito ay maaaring magdulot ng mabagal, permanenteng pagbago ng kulay sa may kulay na bahagi na mata (iris) at balat sa paligid nito. Ang pagbago ng kulay na ito (sa kayumanggi) ay maaaring hindi mapansin ng ilang buwan o ilang taon at ang mga pangmatagalang epekte ay hindi tiyak. ...
Precaution:
Ipaalam sa Doktor ang iyong medical history, kasama ang: ano mang mga alerhiya, iba pang problema sa mata (halimbawa: angle closure, inflammatory or neovascular glaucoma), impeksyon sa mga mata, operasyon o sugat sa mata, paggamit ng contact lens. Hindi nirerekomenda ang paggamit ng gamot na ito sa mga buntis o nagpapasuso na walang payo galing sa Doktor. ...