Urolene Blue

Star Pharmaceuticals | Urolene Blue (Medication)

Desc:

Ang Urolene Blue/methylene blue oral ay ginagamit upang gamutin ang methemoglobinemia at mga impeksyon sa daluyan ng ihi. Nagsisilbi itong mild antiseptic para patayin ang mga bakterya sa daluyan ng ihi. Marahil ikaw at bibigan ng antibiotic medication para gamutin ang iyong impeksyon. Ang gamot na ito ay ganagamit rin sa pagkulay o pagmarka ng mga ibang likido sa katawan upang mapadali ang pagtingin dito habang nasa operasyon o x-ray o iba pang diagnostic exam. ...


Side Effect:

May mga ilang masamang epekto ang maaaring maranasan pagkatapos gumamit ng gamot na ito gaya ng mga sumusunod: Pagkaduwal, pagkasira ng tiyan, pagtatae, pagsusuka, o pagkairita ng pantog. Sabihin sa iyong Doktor kung patuloy na mararanasan o makakaabala alinman sa mga nabanggit na epekto. Ang gamot na ito ay maaarning magdulot ng pagkulay berde-asul ng iyong ihi o dumi. Ang epekto nito ay hindi makasasama at mawawala kapag itinigil ang paggamit ng gamot. Agad na sabihin sa iyong Doctor kung makakaranas ng alinman sa mga sumusunod na bihira ngunit seryosong masamang epekto: pagkahilo, pagkawalang-malay, mataas na lagnat, mabilis/iregular/pagkabog na tibok ng puso, pamumutla/pagkakaroon ng asul na kulay ng balat, hindi pangkaraniwang pagkapagod. Humingi ng agarang medikal na atensyon kung makakaranas ng mga bihira ngunit seryosong masamang epekto tulad ng mga sumusunod: pananakit ng dibdib. Madalang ang seryosong alerhiya sa gamot na ito. ...


Precaution:

Maraming gamot ang pwedeng gamitin kasama ang Urolene Blue. Banggitin ang lahat na gamot na iyong ginagamit sa iyong Doktor. Maaaring itigil ang paggamit ng ibang gamot bago gumamit ng medikasyon na ito (sa ibang kaso, hanggang 5 linggo bago gumamit ng methylene blue). Huwag magsimula o tumigil sa paggamit ng ibang gamot habang gumagamit ng Urolene blue kung walang payo ng iyong Doktor. Bago gumamit ng gamot na ito, sabihin sa iyong Doktor kung ikaw ay may sakit sa bato, o glucose-6-phosphate dehydrogenase (G6PD) deficiency. Banggitin rin sa iyong doctor ang paggamit mo ng ibang gamot lalo na ang mga antacids, diuretics (water pills), sodium bicarbonate, o acetazolamide (Diamox). Kung ikaw ay umiinom ng antidepressant o medikasyon sa psychiatric, ipaalam agad sa iyong Doktor kung ikaw ay nakakaranas ng mga seryosong epekto tulad ng mga sumusunod: pagkalito, problema sa alaala, pagiging hyperactive (mental o pisikal), pagkawala ng koordinasyon, pagkibot ng mga kalamnan, panginginig, pagpapawis, pagtatae, at/o lagnat. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».