Ustekinumab Injection
Janssen Pharmaceutica | Ustekinumab Injection (Medication)
Desc:
Ang ustekinumab ay isang immunosuppressant na nagbabawas ng epekto sa sangkap sa katawan na maaaring maging sanhi ng pamamaga. Ang ustekinumab ay ginagamit upang pagalingin ang plaque psoriasis (pag taas, kulay perlas na natutuklap na balat) sa matatanda. ...
Side Effect:
Ang pangkaraniwang epekto ng ustekinumab ay: pagkapagod, impeksyon sa upper respiratory track, at mga pagsakit ng ulo. Ang ustekinumab ay maaring mabawasan ang kakayahan ng immune system na labanan ang mga impeksyon, pinapataas ang tyansang magkaroon ng impeksyon kagaya ng tuberculosis (TB), at mga impeksyon na sanhi ng bakterya, fungi, o mga virus. Maari ding pataasin ng Ustekinumab ang tyansa ng iilang klase ng kanser at magdulot ng posterior leukoencephalopathy syndrome (RPLS). Ang RPLS ay isang bihirang kondisyon na nakakaapekto sa utak at maaring maging sanhi ng pagkamatay. Hindi malaman kung ano ang sanhi nito ngunit kung mapansin ng maaga at magamot, karamihan ay gumagaling. Ang maaaring maging sintomas ay pag-sakit ng ulo, seizures, pagkalito, at problema sa paningin. ...
Precaution:
Huwag uminom ng gamot na ito kung ikaw ay may alerhiya sa ustekinumab o ikaw ay tumanggap ng bakuna para sa BCG (Bacillus Calmette and Guérin) sa loob ng isang taon (12 buwan). Bago gamitin ang ustekinumab, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay may aktibong impeksyon, nagkaroon ng tuberculosis o pabalik-balik na mga impeksyon, mataas na presyon ng dugo, mahinang immune system, o kung ikaw ay nagpapa-phototherapy (light therapy). Maaaring magsagawa ang iyong Doktor ng mga pagsusulit upang maka siguro na ikaw ay walang tuberculosis o iba pang impeksyon. Siguraduhin na nasususnod ang iyong mga pagbabakuna bago bago simulan ang paggamot gamit ang ustekinumab. Ang ustekinumab ay maaaring magdulot ng madaling pagkakaroon ng sakit. Iwasang lumapit sa mga taong may trangkaso o ano mang nakaka hawang sakit. Ipaalam sa iyong Doktor kung ikaw ay may mga sintomas ng impeksyon kagaya ng lagnat, panginginig, pamamaga ng lalamunan, trangkaso, pamamaga sa glandula, hindi pangkaraniwang panghihina, ulser sa bibig at lalamunan, pagbilis ng tibok ng puso, mabilis at mababaw na paghinga, pamamaga o pamumula, pananakit tuwing umiihi, pagkakaroon ng dugo sa iyong ihi,matinding pananakit ng tiyan, pagbabago sa iyong pagdumi,ubo na may dilaw o berdeng plema, pangingirot sa dibdib, o matinding sakit ng ulo at pagkahilo, problema sa paningin, o atake. ...