Avonex
Biogen Idec | Avonex (Medication)
Desc:
Ang medikasyong ito ay ginagamit upang gamutin ang multiple sclerosis (MS). Ang interferon ay hindi gamot para sa MS, ngunit maaari nitong makatulong sa pagpapababa ng bilang ng mga atake ng panghihina at pabagalin ang progresyon ng sakit. Ang medikasyong ito ay kadalasang tinuturok ng isang beses sa isang linggo o ayon sa dinirekta ng iyong doktor. Kung ginagamit mo itong medikasyong sa iyong bahay, aralin ang lahat ng preparasyon at mga instruksyong paggamit mula sa iyong propesyonal sa alagang pangkalusugan. Ang solusyon ay kadasang malinaw o medyo madilaw. ...
Side Effect:
Ang sakit, pamamaga, o pamumula sa bahaging tinurukan ay maaaring mangyari. Kung alinman sa mga ito ang tumagal o lumala, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ng maagap. Ang mga sintomas ng parang sa trangkaso tulad ng sakit sa ulo, pagod, lagnat, ginaw, at mga sakit ng kalamnan ay maaaring mangyari sa unang paggamit ng medikasyong ito. Ang mga sintomas ay kadalasang tumatagal ng isang araw pagkatapos ng turok o hindi nawawala pagkatapos ng ilang buwang patuloy na paggamit. Maaaring bawasan ang mga epektong ito sa pamamagitan ng pagturok ng gamot na ito bago matulog at sa paggamit ng mga pampababa/pampaginhawa sa mga lagnat tulad ng acetaminophen o ibuprofen bago ang bawat dosis. ...
Precaution:
Bago gamitin ang interferon, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay hindi hiyang sa interferon beta-1a o sa mga produktong may lamang pangtaong albumin; o kung ikaw ay may kahit anong ibang alerhiya. Mayroong panganib ng pagkakaroon ng mikrobyo mula sa paggamit ng medikasyong ito dahil ito ay may lamang albumin na mula sa dugo ng tao. Bago gamitin ang medikasyong ito, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ang iyong kasaysayang medikal, lal ng: mga karamdaman sa pag-iisip/kalooban (halimbawa, depresyon, sikosis, mga kaisipang pagpapakamatay), sakit sa puso (halimbawa, anghina, kondyestib na pagpapalya ng puso, aritmiya), mga sumpong, sakit sa teroydeo, sakit sa atay, bumabang paggawa ng utak sa buto. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...