Vagistat - 1

Novartis | Vagistat - 1 (Medication)

Desc:

Ang Vagistat - 1/tioconazole ay ginagamit para pagalingin ang impeksyon sa pepe. Ang pamahid na Vagistat ay binbawasan ang pagsusunog, pangangati, at paglalabas ng likido na nangyayari kapag may ganitong kundisyon. Ang gamot na ito ay isang azole antifungal. Gumagana ito sa pamamagitan ng pagtigil sa pagtubo ng yeast (fungus) na nag duduot ng impeksyon. ...


Side Effect:

Maaring magdulot ng pananakit ng ulo o tila nasusunog na pakiramdam, pangangati, at pag sakit ng pepe o yuritra. Ang sobrang malalang alerdyik reaksyon sa gamot na ito ay bihira. Subalit, humingi ng agarang medikal na atensiyon kapag may napansin na sintomas ng seryosong alerdyik reaction katulad ng pantal, pangangatin o pamamanhid (lalo na sa mukha, dila, lalamunan), matinding pagkahilo, at nahihirapan huminga. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, ikonsulta sa iyong doktor or parmasyutiko kung hiyang ka ba dito o sa ibang azole antifungal (tulad ng clotrimazole, fluconazole); o kung may iba ka pang alerdyi. Ang produktong ito ay maaaring magkaron ng hindi aktibong mga sangkap na maaring magdulot ng alerdyik reaksyon at iba pa. Kung mayroon ka ng mga sumusunod na sakit, ikonsulta muna sa doktor bago gamitin: dyabetis, mga problema sa immune system (tulad ng HIV-AIDs), madalas na yeast impeksyon (higit sa 3 sa loob ng 6 na buwan o 4 sa loob ng 1 taon). Bago magpaopera, sabihan ang iyong doktor o dentista tungkol sa lahat ng produktong iyong ginagamit (kasama ang mga iniresetang gamot, gamot na hindi inireseta, at mga produktong erbal). Ang produktong ito ay maaaring magpahina ng mga produktong goma (tulad ng latex condom, diaphragms, cervical cap) at humantong sa kabiguan. Hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor sa panahong nagbubuntis at nagpapasuso. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».