Axid
Wyeth | Axid (Medication)
Desc:
Ang Axid ay may lamang nizatidine, na nasa isang grupo ng mga gamot na tinatawag na histamine-2 blockers. Ang nizatidine ay gumagawa sa pamamagitan ng pagpapababa sa dami ng asidong ipinuprodyus ng iyong tiyan at ginagamit upang gamutin ang mga ulser sa tiyan at bituka at pinipigilan ang mga ito mula sa pagbalik pagkatapos gumaling. Ginagamot rin ng nizatidine ang pangangasim ng sikmura at erosive esophagitis na sanhi ng gastroesophageal reflux disease (GERD). Gamitin ang Axid ng eksaktong gaya ng dinirekta ng iyong doktor. Huwag gagamit ng mas madami o kaunti o mas matagal kaysa inirekomenda. ...
Side Effect:
Katulad ng kahit anong gamot, ang mga epekto ay pwedeng mangyari. Ang pinakakaraniwan at pinakahindi seryosong epekto ay may kasamang: sakit ng ulo, pagkahilo; malumanay na pamamantal; pagtatae; o makati o baradong ilong, pamamaga ng lalamunan, ubo. Ang mga mas madalang, ngunit seryosong epekto, na nangangailangan ng tulong medikasal ay: reaksyong alerdyi – hirap sa paghinga; pagsasara ng lalamunan; pamamaga ng iyong labi, dila, o mukha, o pamamantal; maputlang balat, pagkahilo o pagkakapos ng hininga, mabilis na tibok ng puso, hirap sa konsentrasyon; hindi pangkaraniwang pagdurugo, ube o bulang tuldok na pitsa sa iyong balat; pamamantal, pagpapasa, matinding pagtusok-tusok, pamamanhid, sakit, panghihina ng kalamnan; lagnat, pagkalito; o paninilaw. ...
Precaution:
Bago gamitin an gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay hindi hiyang sa nizatidine, sa ibang mga gamot, o may kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: mga problema sa sistemang kaligtasan sa sakit, mga problema sa bato, mga problema sa atay, ilang sakit sa baga tulad ng chronic obstructive pulmonary disease-COPD, dyabetis, ibang mga problema sa tiyan tulad ng tumor. Dahil ang Axid ay pwedeng magdulot ng pagkahilo at pagkaantok, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa nasisiguro mo ng kaya mo ng gawin ang gawaing ito ng ligtas. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...