Vanoxide - HC
Sanofi-Aventis | Vanoxide - HC (Medication)
Desc:
Ang Vanoxide-HC ay ginagamit sa paggamot ng tagihawat at oily na balat. Ang produktong ito ay mayroong dalawang sangkap, hydrocortisone at benzoyl peroxide. Ang hydrocortisone ay isang corticosteroid na binabawasan ang pamamaga ng balat dahil sa tagihawat. Ang benzoyl peroxide naman ay tumutulong na mabawasan ang dami ng mga mikrobyo na sanhi ng tagihawat. Maglagay ng gamot sa mga bahagi ng balat na mayroong tagihawat mga 1 hanggang 3 beses sa isang araw o depende sa payo ng iyong doctor. Bago maglagay ng gamut, marahang hugasan muna ang apektadong bahagi ng banayad na sabon at pagkatapos ay punasan para patuyuin. ...
Side Effect:
Mga reaksyon sa balat katulad ng pagbabalat, pangangati at pamumula ng balat ay maaaring maranasan lalo na sa umpisa ng gamutan. Maglagay lamang ng kakaunting gamot o gamitin lamang ito ng paminsan-minsan. Ang mga hindi pangkaraniwang epekto ay paninipis ng balat, pagbabago ng kulay nito, folliculitis at mga marka sa balat. Kung magpatuloy o lumala ang alin sa mga ito, ipaalam agad sa doctor o pharmacist. Bihira ang malubhang allergic reaction sa gamot na ito. Huwag mag-atubiling magpakonsulta kung mayroong mga sintomas ng malubhang allergic reaction tulad ng pantal-pantal, panngangati o pamamaga (lalo na ng mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo at hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Bago gumamit itong produkto, ipaalam sa doctor o sa pharmacist kung ikaw ay sensitibo sa benzoyl peroxide o hydrocortisone o iba pang corticosteroids (tulad ng prednisone, triamcinolone) o sa sangkap na parabens; o iba pang mga allergy. Bago gamitin itong gamot ay ipaalam sa doctor o sa pharmacist ang iyong mga naunang sakit lalo na ang mga impeksyon sa balat (mga impeksyon dulot ng virus lalo ng bulutong). Huwag maglagay ng gamot na ito sa mga parte ng balat na mayroon impkesyon o pamamaga. Maaaring mas lumala ang naunang impeksyon kung patuloy ang paglagay ng gamot na ito. Ipaalam kaagad sa doktor kung meron mang pamumula, pamamaga, o pangangati na hindi gumagaling. Magiging sensitibo ang mga bata sa epekto ng nasobrahan sa paggamit ng corticosteroid na gamot. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapsuso ay hindi advisable na uminom ng gamot na ito kung walang natanggap na payo galing sa doktor. ...