Aygestin
Duramed Pharmaceuticals, Inc. | Aygestin (Medication)
Desc:
Ang Aygestin ay ginagamit upang gamutin ang mga babaeng mayroong abnormal na pagdurugo mula sa bahay-bata. Ito rin ay ginagamit upang gamutin an gmga babaeng huminto ang regla sa ilang mga buwan (amenorrhea) ngunit hindi buntis o nasa ilalim ng menopos. Ito rin ay ginagamit upang gamutin ang endometriosis kung saan ang mga tisyu na natural na nasa loob ng matris ay natatagpuang nasa labas ng balakang na bahagi, na nagsasanhi ng masakit/iregular na regla. Ang medikasyong ito ay gumagawa sa pamamagitan ng pagpapahinto sa normal na paglaki ng lining ng matris habang siklo ng regla at nagsisenyas sa mga pagbabago ng hormon sa matris upang ibalik ang normal na regla. ...
Side Effect:
Ihinto ang medikasyong ito at tawagan ang iyong doktor kung ikaw ay may kahit ano sa mga seryosong sintomas na ito: biglang pamamanhid o panghihina, lalo na sa isang bahagi ng katawan; biglang sakit ng ulo, pagkalito, sakit ng mata, mga problema sa paningin, pananalita, o balanse; sakit o pamamaga ng isa o parehong binti; sobrang sakit ng ulo; pamamaga sa iyong mga kamay o paa, mabilis na pagbigat; mga sintomas ng depresyon (mga problema sa pagtulog, panghihina, mga pagbabago sa kalooban); matinding sakit ng balakang; sakit o mabigat na pakiramdam ng dibdib, sakit na kumakalat sa braso o balikat, pagduduwal, pamamawis, pangkalahatang masamang pakiramdam; o pagduduwal, sakit ng tiyan, mababang lagnat, kawalan ng ganang kumain, ihing madilim ang kulay, duming kulay putik, paninilaw (paninilaw ng mata o balat). ...
Precaution:
Bago gamitin ang Aygestin, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay hindi hiyan sa norethindrone; o kung ikaw ay may kahit anong ibang alerhiya. Huwag gagamitin ang medikasyong ito kung ikaw ay may: kasaysayan ng atakeng serebral, pamumuo ng dugo, o mga problema sa sirkulasyon; kanser sa suso; abnormal na pagdurugo ng ari ng babae; o kung ikaw ay may kamakailan lamang pagkakunan o aborsyon. Bago gamitin ang norethindone, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay may kahit ano sa mga sumusunod na kondisyon: altapresyon o kasaysayan ng sakit sa puso; sobrang sakit ng ulo; sakit sa bato; sakit sa atay o kanser sa atay; kasaysayan ng depresyon o sakit sa pag-iisip; mataas na lebel ng kolesterol o triglyceride (matabang asido) sa iyong dugo; hika; o sumpong o epilepsi. Ang medikasyong ito ay pwedeng magsanhi ng mga depekto sa sanggol. Huwag gamitin kapag ikaw ay buntis. Sabihin agad sa iyong doktor kung ikaw ay mabuntis. ...