Vistide
Gilead Sciences | Vistide (Medication)
Desc:
Ang VIstide/cidofovir ay isang gamot na laban sa bayrus (antiviral) na pumipigil sa mga selula ng bayrus na magparami sa iyong katawan. Ito ay ginagamit na panggamot sa impeksyon sa mata na tinatawag na cytomegalovirus retinitis (CMV) sa mga taong mayroong HIV o human immunodeficiency virus. ...
Side Effect:
Maaaring maranasan ang pagduduwal. Maari din maranasan sa paggamit ng probenecid ay pananakit ng ulo, pagduduwal at pagsusuka. Kung ang mga nasabing mga epekto ay magpatuloy of maging malubha, ipaalam agad sa iyong doktor o parmasyutiko. Agad ipaalam sa iyong doktor kung may maranasan sa mga sumusunod na epekto ay maramdaman: pagbabago ng dami ng ihi, madilim/malapot na ihi, may dugo o kulay rosas na ihi, pamamaga, pagkawala ng gana kumain, kakaibang pagkahapo/pananamlay, pananakit ng tiyan/sikmura, pagkawala ng kalamnan, palatandaan ng impeksyon (hal. lagnat, paulit-ulit na pamamaga ng lalamunan/pag-ubo), pagbabago sa paningin, bago/lumubhang pamumula o iritasyon ng mata, bago/lumubhang pananakit ng mata, pagbabago ng pag-iisip o saloobin (hal. pagkalito), paulit-ulit na pagduduwal/pagsusuka, paninilaw ng mata/balat. Madalang ang pagkakaroon ng seryosong reaksyong alerdyi sa gamot na ito. ...
Precaution:
Huwag tatanggap ng gamot na ito kung ikaw ay mayroong alerdyi sa cidofovir, probenecid o mga gamot na sulfa, o kung ikaw ay mayroong malubhang sakit sa bato. Ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay nagbubuntis o may planong magbuntis habang naggagamot. ...