Azactam
Bristol-Myers Squibb | Azactam (Medication)
Desc:
Ang Azactram/aztreonamay tinukoy para sa pagdagdag na terapiya sa operasyon sa pangangasiwa ng mga inpeksyong sanhi ng mga madaling tablan na organism, kasama ng mga pigsa, mga inpeksyong kinukomplika ang hollow viscus perforations, mga inpeksyon sa balat, at inpeksyon ng seris na kalatagan. Ang Azactram ay epektibo laban sa karamihang karaniwang Gram-negative aerobic pathogens na nakikita sa pangkalahatang operasyon. Ang Azactram ay ibinibigay sa pamamagitan ng pagturok sa kalamnan o sa karayom na itinuturok sa iyong ugat ng isang tagapagbigay ng alagang pangkalusugan sa ospital at klinikang medikal. ...
Side Effect:
Kasama ng mga kinakailangang epekto, ang Azactram ay pwedeng magsanhi ng seryosong epekto tulad ng: reaksyong alerdyi - hirap sa paghinga; pagsasara ng lalamunan; pamamaga ng labi, dila, o mukha; o pamamantal; matubig o madugong pagtatae; lagnat, pamamaga ng lalamunan, at sakit ng ulong may kasamang namamaltos, namamalat, at pulang pamamantal ng balat; pagkalito, sumpong; pagkahilo, pagkahimatay; maputlang balat, madaling pagpapasa o pagdurugo, hindi pangkaraniwang panghihina; lagnat, ginaw, sakit ng katawan, mga sintomas ng trangkaso; o pagduduwal, sakit ng tiyan, mababang lagnat, kawalang ng ganang kumain, ihing madilim ang kulay, duming kulay putik, paninilaw. Kung alinman sa mga ito ang mangyari, humingi ng agarang tulong medikal. Ang mga sumusunod ay ibang hindi masyadong seryosong epekto: malumay na hindi kaginhawan ng tiyan; init, pamumula; o tusok-tusok na pakiramdam ng balat; pagkahilo; pamamanhid; tusok-tusok o sakit; kaunting pamamantal o pangangati; pangangati o diskarga ng ari ng babae; o sakit, pamamaga, o iritasyon kung saan inilagay ang karayom ng IV. Kung ang mga ito ay tumagal o lumala, tawagan ang iyong doktor. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay hindi hiyang sa aztreonam, o sa ibang mga gamot, o kung ikaw ay may kahit anong ibang alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang gamot at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng sakit sa atay o bato. Dahil ang Azactam ay pwedeng magdulot ng pagkahilo at pagkaantok, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa nasisiguro mo ng kaya mo ng gawin ang gawaing ito ng ligtas. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...