Warfarin

Unknown / Multiple | Warfarin (Medication)

Desc:

Ang Warfarin ay isang anticoagulant (nagpapalabnaw ng dugo). Binabawasan ng Warfarin ang pamumuo ng dugo sa pamamagitan ng pagpigil sa mga nagdudulot ng pamumuo ng dugo. Ang Warfarin ay ginagamit upang maiwasan ang atake sa puso, strokes, at pamumuo ng dugo sa mga ugat. ...


Side Effect:

Ang dalawang pinakamalalang masamang epekto ng gamot na ito ay pagdurugo at ganggrena. Maaaring magkaroon ng pagdurugo sa ano mang bahagi ng katawan o tisyu. Ang pagdurugo sa paligid ng utak ay maaaring magdulot ng matinding sakit ng ulo at pagkalumpo. Ang pagdurugo ng mga kasukasuhan ay maaaring magdulot ng pananakit at pamamaga ng mga ito. Ang pagdurugo ng tiyan o bituka ay maaaring magdulot ng panghihina, pagkahimatay, maitim nadumi, o pagsusuka ng dugo. Ang pagdurugo ng mga bato ay nagdudulot ng pananakit ng likod at dugo sa ihi. Iba pang mga hindi magandang epekto ay murado at masasakit na mga daliri sa paa, pantal, panlalagas ng buhok, pamamaga ng tiyan, pagtatae, at paninilaw ng balat. Ang mga senyales ng labis na dosis (overdose) ay pagdurugo ng mga gilagid, pamamasa, pagdurugo ng ilong, labis na pagreregla, at matagal na pagdurugo ng mga sugat. ...


Precaution:

Huwag doblehin ang dosis ng gamot na ito o inumin ito kasam ng ibang produktong naglalaman ng warfarin or coumarin. Hindi ka dapat uminom ng warfarin kung nakakaranas ng pagdurugo o may karamdaman sa dugo, may dugo ang iyong ihi o dumi, impeksyon sa lining ng iyong puso, pagdurugo sa tiyan, pagdurugo sa utak, inopera kamakailangan lamang o nakatakdang operahin, o kung kailangan mo ng spinal tap o pampamanhid na dinadaan sa gulugod (epidural). Ang Warfarin ay maaaring maging sanhi ng madaling pagdurugo, lalo na kung: nakaranas ka ng mga pagdurugo, mataas na presyon o malalang sakit sa puso, sakit sa bato, kanser, operasyon o pangangailangang medical, sakit na nakakaapekto sa mga daluyan ng dugo sa utak, nakaranas ng pagdurugo ng tiyan o bituka, kung ikaw ay anim napu’t limang taong gulang (65) o higit pa, o kung ikaw ay may malubhang karamdaman o panghihina. Maraming mga gamot (kasama na ang mga nabibili nang walang reseta at mga herbal na gamot) ang maaaring magdulot ng malalang problema sa kalusugan o kamatayan, kapag ininom kasabay ng warfarin. Mahalagang sabihin sa iyong doktor lahat nang gamot na iyong iniinom o kahit yung mga nainom na. Sumangguni sa iyong doktor bago uminom ng gamot para sa sakit, arthritis, lagnat, o pamamaga. Ang mga gamot na ito ay maaaring makaapekto sa pamumuo ng dugo at maaaring magdulot ng padurugo ng tiyan. Kung nagbubuntis o nagpaapsuso, hindi inirerekumenda ang gamot na ito nang walang pahintulot ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».