Wellbutrin SR

GlaxoSmithKline | Wellbutrin SR (Medication)

Desc:

Ang Wellbutrin SR/bupropion ay ginagamit na lunas sa depresyon. Ito ay nagpapabuti ng kalagayan at nagpapagaan ng pakiramdam. Gumagana ito sa pamamagitan ng pagbabalik ng balance ng mga kemikal sa utak (neurotransmitters). Ang Bupropin ay maaari ring gamot sa attention deficit hyperactivity disorder (ADHD), o tumulong sa mga tao sa upang tigilan ang paninigarilyo sa pamamagitan ng pagbawas ng pagnanasang manigarilyo at epekto ng nicotine withdrawal. Ang gamot na ito ay maaari ding gamitin kasama ng ibang mga gamot upang maging lunas sa bipolar disorder (depressive phase). ...


Side Effect:

Pagkahilo, pagsusuka, panunuyo ng bibig, sakit ng ulo, hirap sa pagdumi, labis na pagpapawis, pananakit ng mga kasukasuhan, pamamaga ng lalamunan, paglabo ng paningin, pagkakaroon ng kakaibang panlasa sa bibig, o pagkahilo ay maaaring maranasan. Kung alinman sa mga sintomas na ito ay lumala, ipagbigay-alam kaagad sa doktor o sa parmasyutiko. Sabihin kaagad sa doktor kung ikaw ay makaranas ng mga kakaiba ngunit hindi malalang mga sintomas na ito: pananakit ng dibdib, pagkahimatay, mabilis/marubdod/iregular na pagtibok ng puso, problema sa pandinig, tila may tumutunog sa tainga, malalang pananakit ng ulo, pagbabago ng isip o pakiramdam (hal. pagkabalisa, pagkabahala, pagkalito, pagkakaroon ng mga guni-guni), hindi mapigilang mga galaw (panginginig), hindi pangkaraniwang pagdagdag o pagbawas ng timbang. Sabihan kaagad ang iyong doktor kung makaranas ng bihira ngunit seryosong masamang epekto: pananakit ng mga kalamnan/panlalambot/panghihina, pagbabago ng dami ng ihi. Ang gamot na ito ay maaaring magdulot ng madalang na seizures. Humingi kaagad ng agarang atensyong medical kapag nakaranas ng seizure. Kung ikaw ay nagkaroon ng seizure habang iniinom ang bupropion, hindi ka na muling dapat pang uminom nito. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa gamot na ito ay hindi inaasahan, ngunit kumunsulta agad sa doktor kung sakaling magkaroon nito. Ang mga sintomas ng malalang allergic reaction ay: pantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha/dila/lalamunan), lubhang pagkahilo, at hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Bago uminom ng Wellbutrin SR, sabihin sa iyong doktor o sa parmasyutiko kung ikaw ay hindi hiyang (allergic) dito, o kung ikaw ay mayroong kahit anong allergy. Ang produktong ito ay maaaring naglalaman ng inactive ingredients, na maaaring magdulot ng allergic reactions o iba pang mga problema. Bago uminom ng gamot, kumonsulta muna sa doktor o parmasyutiko kung ikaw ay nakaranas o nakakaranas ng: seizure, problema sa pagkain (hal. bulimia, anorexia nervosa). Ang gamot na ito ay hindi maaaring inumin kung ikaw ay biglaang tumigil sa regular na pag-inom ng pampakalma (hal. benzodiazepines gaya ng lorazepam) o alak. Kung ipagpapatuloy ay maaaring magdulot ng seizures. Ang pag-inom ng maraming alak ay maaari ring magdulot ng seizures at pagkahilo. Isangguni ang paggamit ng mga produktong ito sa iyong doktor. Bago uminom ng gmaot, ipagbigay-alam muna sa doktor o parmasyutiko ay iyong kasaysayang medical, lalo na : pagkalulong sa alak/droga (kasama ang benzodiazepines, narcotic pain medicines, cocaine at stimulants), bukol sa utak, diabetes, pinsala sa utak, sakit sa puso (hal. , congestive heart failure, high blood pressure, kamakailang atake sa puso), sakit sa bato, sakit sa atay (hal. cirrhosis), kasaysayan ng pamilya o personal na sakit sa pag-iisip (hal. , bipolar/manic-depressive disorder), kasaysayang personal o sa pamilya ng pagpapakamatay/pagiisp ng pagpapakamatay, planong tumigil sa paninigarilyo. Sabihan kaagad ang iyong doktor kung ikaw ay nag-iisip na magpakamatay, lumala ang depresyon, at kahit anong pagbabago sa pag-iisip (kasama ang bago o lumalalang pagkabalisa, pagkawala sa sarili, panick attack, hirap sa pagtulog, pagiging iritable, palaging galit, biglaang pagdedesisyon, malubhang pagkabagabag, mabilis na pananalita, at kataka-takang pagbabago ng ugali). Kung nagbubuntis o nagpaapsuso, hindi inirerekumenda ang gamot na ito nang walang pahintulot ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».