Westcort
Bristol-Myers Squibb | Westcort (Medication)
Desc:
Ang Westcort/hydrocortisone ay isang stroid na pinapahid. Binabawasan nito ang mga paggawa ng mga kemikal sa katawan na nagdudulot ng pamamaga, pamumula, at pamimintog. Ang gamot na ito ay ginagamit na lunas sa pamamaga ng balat dulot ng iba’t ibang kondsiyon kagaya ng allergic raections, eczema, o psoriasis. ...
Side Effect:
Ang pangkaraniwang epekto ng gamot na ito ay: pamamantal, pangangati o pamamaga ng mukha, dila, o lalamunan, malalang pagkahilo, hirap sa paghinga. Ang iba pang epekto na pwedeng maranasan ay: pamumula, mahapdi, o pangangati sa lugar sa balat kung saan pinahiran; ang iba pang mas malala: pagdurugo ng puwet, pagbabago ng itsura ng balat gaya ng kulay, kapal, pamumula ng balat, paglambot, o nana at iba pang senyales ng impeksyon. ...
Precaution:
Bago gumamit ng Westcort ipagbigay-alam muna sa iyong doktor o sa parmasyutiko kung ikaw ay hindi hiyang (allergic) dito; o sa mga iba pang corticosteroids (hal. , prednisone, triamcinolone); o kung may iba ka pang allergies. Ang produktong ito ay maaaring naglalaman ng inactive ingredients, na maaaring magdulot ng allergic reactions o iba pang mga problema. Makipag-ugnayan sa iyong parmasyutiko para sa mas maraming detalye. Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko ang iyong kasaysayang medical, lalo na kung: mayroon kang mahinang pagdaloy ng dugo, diabetes, problema sa immune system. Huwag gamitin kung may impeksyon o masakit ang lugar sa balat na kailangang gamitan ng gamot. Kung nagbubuntis o nagpaapsuso, hindi inirerekumenda ang gamot na ito nang walang pahintulot ng doktor. ...