Willow bark
The Medicines Company | Willow bark (Medication)
Desc:
Ang Willow bark ay ginagamit bilang panghalili sa aspirin para sa lagnat, sakit ng ulo, at para mabawasan ang pamamaga at sakit na dulot ng arthritis. Ang ilang mga produktong herbal at dietary supplements ay napatunayang naglalaman ng posibleng mapanganib na mga kemikal. Halos lahat ng mga willow ay matatagpuan sa mga malalamig na lugar. Ang mga ito ay matatagpuan sa mga iba’t ibang parte ng mundo maliban na lamang sa Antarctica at Australia. Kasama sa mga Willows ang maliliit na puno, palumpong, at gropundcovers, at marami sa mga uri nito ay dioecious na may mga bulaklak na maaaring maging babae o lalaki sa magkahiwalay na halaman. Ang mga catkins ay korteng pabilog, tumutubo sa haba na anim (6) hanggang pitong (7) sentimetro. Ang mga lalaking bulaklak ay kulay dilaw, at ang mga babaeng bulaklak ay luntian. Ang mga willow bark na ginagamit sa medisina ay kinokolekta sa tagsibol mula sa mga murang sanga ( dalawan (2) hanggang tatlong (3) taong gulang). ...
Side Effect:
Ang pangunahing pagkabalisa na mararamdaman ay pagdudwal at sakit ng tiyan, pati na rin pagkahilo at pantal. May mga pag-uulat ng malubhang allergic reaction sa willow bark. ...
Precaution:
Kaunti lamang o halos walang impormasyon sa pagkakalason sa paggamit ng willow bark. Ngunit, ihinahalintulad ang lason ng willow bark sa salicylates. Pinapaalalahanan ang mga pasyente na bantayan kung magkaroon man ng dugo sa pagdumi, makarinig ng matinis na ingay sa tenga, pagduduwal o pagsusuka, pakairita ng tiyan o bato. Ang mga pasyente na sobrang sensitibo sa aspirin ay dapat iwasan ay anumang produktong naglalaman ng willow. Ang babalang ito ay naaayon din sa mga pasyenteng may athma o hika, nakakaranas ng abnormal na pamumuo, vitamin K antagonistic treatment, diabetes, gout, sakit sa bato o atay, sakit na peptic ulcer, at kahit anumang kapansanang hindi maaari ang aspirin. Kung nagbubuntis o nagpaapsuso, hindi inirerekumenda ang gamot na ito nang walang pahintulot ng doktor. ...