Xeloda

Roche | Xeloda (Medication)

Desc:

Ang Xeloda/capecitabine ay isang gamot sa kanser na humahadlang sa paglaki o pagdami ng mga selulang nagdudulot ng kanser at nagpapabagal ng kanilang pagkalat sa katawan. Ang Xeloda ay ginagamit na panglunas sa kanser sa suso at sa colon o rectum cancer na kumalat na sa ibang parte ng katawan. ...


Side Effect:

Ang pinaka-karaniwang masamang epekto ng Xeloda ay pagtatae, pagduduwal, pagsusuka, masakit na pamamaga ng bibig, pamamagod, masakit na pamamantal at pamamaga ng mga kamay o paa, mababang bilang ng putting selula sa dugo (na maaaring magdulot ng impeksyon), mababang bilang ng platelets sa dugo (na maaaring maging sanhi ng pagdurugo), at anemya. Isa sa tatlong pasyenteng binibigyan ng capecitabine ay nagkakaron ng malalang masamang epekto ng gamot, ngunit ang mga masasamang epektong ito ay kadalasang naaagapan kapag itinigil ang gamot o kapag binabaan ang dosis. ...


Precaution:

Hindi ka dapat uminom ng Xeloda kung ikaw ay hindi hiyang sa capecitabine o fluorouracil, o kung mayroon kang malalang sakit sa bato o problema sa metabolism na tinatawag na DPD (dihydropyrimidine dehydrogenase deficiency). Bago uminom ng Xeloda, sabihin sa iyong doktor kung mayroon kang sakit sa atay o bato, kasaysayan ng coronary artery disease, o kung ikaw ang umiinom ng folic acic (na mayroon sa mga bitamina), leucovorin, phenytoin, o pampalabnaw ng dugo (warfarin, Coumadin). Tawagan kaagad ang iyong doktor kung ikaw ay makaranas ng malalang masamang epekto ng gamot gaya ng labi na pagsusuka o pagtatae, sintomas ng lagnat o trangkaso, pananakit o pamumula ng iyong mga kamay o paa, paninilaw ng mga balat o mata, pananakit ng dibdib, biglaang pamamanhid o panghihina, o pagkahimatay. Huwag gumamit ng Xeloda kung ikaw ay nagbubuntis. Maaari itong makasama sa pinagdadalang-tao. Gumamit ng mabisang birth control habang ikaw ay gumagamit ng Xeloda, ikaw man ay lalaki o babae. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay biglang magbuntis habang nangyayari ang gamutan. Hindi ka dapat magpasuso habang gumagamit ng Xeloda. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».