Xenical
Roche | Xenical (Medication)
Desc:
Ang Xenical/orlistat ay ginagamit rin upang mabawasan ang posibilidad ng pagbalik ng timbang matapos magbawas ng timbang. Ang gamot na ito ay para sa pagkontrol ng pagtaba kabilang na ang pagbabawas ng timbang at pagpapanatili ng timbang kapag ginamit kasabay ng tamang pagkain na may mababa ang calorie. Ang inirerekumendang dosis ng Xenical ay isang kapsula ng 120-mg tatlong beses sa isang araw, kasabay ng pagkain ng tama na may fat o taba (isang oras matapos kumain). ...
Side Effect:
Kabilang sa mga pinaka-karaniwang hindi magandang epekto ng Xanical ang: madalas na pagdumi, sakit ng tiyan, at kawalan ng pagpipigil ng pagdumi, mataba o malangis na mga dumi, kabag. Posible ring makaranas ng malalang epekto, at dapat na ipagbigay-alam kaagad sa iyong healthcare provider: pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga o paglunok, malala o patuloy na pananakit ng tiyan, labis na panghihina, pagduduwal, pagsusuka, kawalan ng ganang kumain, sakit sa itaas na kanag bahagi ng tiyan, paninilaw ng mga balat o mata, hindi malinaw na kulay ng ihi, malinaw na kulay ng dumi. ...
Precaution:
Bago uminom ng Xenical, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay may underactive thyroid, kung nakaranas ng bato sa apdo o pancreatitis, type 1 ot ype 2 diabetes, sakit sa atay o bato, o kung ikaw ay gumagamit ng iba pang produktong nagpapabawas ng timbang (inireseta o nabibili sa parmasyutiko). Ang gamot na ito ay hindi dapat iniinom ng mga edad labing-dalawa (12) hanggang labing walong (18) taong gulang nang walang payo ng doktor. Ang Xenical ay dapat lamang gamitin ng mga taong pinagresetahan ng doktor. Huwag ipamahagi ang gamot na ito sa ibang tao, lalo na sa mga taong may problema sa pagkain. Itago ang gamot na ito sa lugar na ikaw lang ang nakakaalam. Ang Xenical ay kasama sa kumpletong programa ng gamutan na kalangkap ang tamang pagkain, ehersisyo, at pagkontrol ng timbang. Ang pang araw-araw na pagkonsumo ng taba, protina, at carbohyrdrates ay dapat na ibahagi sa lahat ng pagkain sa buong araw; agahan, tanghalian, hapunan. Sundan ang tamang pagkain, gamot, at ehersisyo nang maigi. Iwasan ang pagkain ng matatabang pagkain. Ang matatabang pagkain na sinabayan ng Xenical ay maaaring magpataas ng problema sa hindi magandang epekto sa tiyan o bituka. ...