Xigris
Eli Lilly | Xigris (Medication)
Desc:
Ang Xigris/drotrecogin alfa ay gawang tao (recombinant) na uri ng isang natural na enzyme na tinatawag na Activated Protein C. Ginagamit ito upang gamutin ang malubha/nakamamatay na mga impeksyon sa dugo (matinding sepsis na nauugnay sa matinding organ failure). ...
Side Effect:
Humingi kaagad ng atensyong medikal kung ang alinman sa MATINDING side-effect ay iyong maranasan kapag gumagamit ng Xigris: malubhang allergic reaction (pantal; pangangati; hirap sa paghinga; pagsisikip ng dibdib; pamamaga ng bibig, mukha, labi, o dila); maitim na dumi; madugong pagtatae; pagkalito; kahinaan sa isang-panig ng katawan; kulay-rosas/pulang ihi; pagkabulol; sakit sa tyan; hindi pangkaraniwang pagpapasa o pagdurugo; problema sa paningin; pagsusuka na kulay giniling na kape. ...
Precaution:
Huwag gamitin ang gamot na ito kung ikaw ay allergic sa anumang sangkap ng Xigris, kung meron kang internal bleeding, o may tumor o sugat sa utak, mayroon kang stroke sa loob ng huling 3 buwan, kamakailan lamang (sa huling 2 buwan) ay sumailalim ka sa operasyon sa utak o gulugod o nagdusa ng matinding pinsala sa ulo, ikaw ay malubhang nasugatan at nasa peligro ng nakamamatay na pagkaubos ng dugo, gumagamit ka ng isang epidural catheter. ...