Ziac
Merck & Co. | Ziac (Medication)
Desc:
Ang Ziac /hydrochlorothiazide ay isang thiazide diuretic (water pill) na makakatulong na mapigilan ng iyong katawan sa pagtanggap ng sobrang asin, na maaaring maging sanhi ng pagpapanatili ng likido. Ginagamit din ang Ziac para sa paggamot sa presyon ng dugo (hypertension). Inumin ang gamot na ito na mayroon o walang pagkain, karaniwang isang beses kada araw at batay sa itinuro ng iyong doktor. Ang dosis ay batay sa iyong kondisyong medikal at tugon sa therapy. Mahusay na iwasan ang pag-inom ng gamot na ito sa loob ng 4 na oras mula sa oras ng iyong pagtulog upang maiwasan na bumangon para umihi. ...
Side Effect:
Karaniwang epekto ng Ziac ay: pagkahilo, gaan ng ulo, pagkapagod, at pagkaantok. Pagduduwal, salkit sa tiyan, pagtatae, ubo, paninigas ng dumi at problema sa pagtulog ay maaari ding maranasan. Sabihin agad sa iyong doktor kung mayroon kang alinman sa mga hindi malaman ngunit malubhang sintomas ng pagkatuyo: napakatuyong bibig, matinding pagkauhaw, panginginig ng kalamnan /kahinaan, mabilis na tibok ng puso, matinding pagkahilo, hindi pangkaraniwang pagbaba ng dami ng ihi, nahimatay, seizure. Ipagbigay-alam kaagad sa iyong tagabigay ng pangangalaga ng kalusugan kung alinman sa mga hindi malaman ngunit malubhang epekto ay nangyari: napakabagal /hindi regular na tibok ng puso, pamamaga ng bukung-bukong /paa, biglaan /hindi maipaliwanag na pagtaas ng timbang, pagkawala ng pakiramdam / matulis na pakiramdam sa mga daliri /paa, pagkawala ng buhok, hindi malinaw na paningin, sakit sa mata, pagbabago sa kaisipan /kalooban, nabawasan ang kakayahan /interes sa sekswal, sakit ng kalamnan /magkasanib, paulit-ulit na pagduduwal /pagsusuka, paninilaw na mga mata /balat, matinding sakit sa tiyan /sikmura, maitim na ihi, nerbyos, nanginginig, pagkalito, madaling [asa /pagdurugo, mga palatandaan ng impeksyon (lagnat, paulit-ulit na namamagang lalamunan), pagbabago sa dami ng ihi (hindi kasama ang normal na pagtaas ng ihi noong una mong sinimulan ang gamot na ito). Ang isang napaka-seryosong reaksyon ng alerdyi sa gamot na ito ay bihira. Gayunpaman, humingi ng agarang atensyong medikal kung napansin mo ang alinman sa mga sumusunod na sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi: pantal, pangangati /pamamaga (lalo na sa mukha /dila /lalamunan), matinding pagkahilo, problema sa paghinga. ...
Precaution:
Bago kumuha ng gumamit ng gamot na ito, sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko kung ikaw ay may alerdyi sa bisoprolol o hydrochlorothiazide; o sa iba pang beta blocker (metoprolol, atenolol); o sa iba pang mga thiazide diuretics (chlorothiazide); o kung mayroon kang anumang iba pang alerdyi. Ang Ziac ay hindi dapat gamitin kung mayroon kang ilang mga kondisyong medikal. Bago gamitin ang gamot na ito, komunsulta sa iyong doktor o parmasyutiko kung mayroon kang: ilang mga uri ng mga problema sa ritmo ng puso (sinus bradycardia, second- or third-degree atrioventricular block), ilang mga seryosong kondisyon sa puso (cardiogenic shock, severe heart failure), kawalan ng kakayahan upang umihi (anuria). Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko ang iyong kasaysayang medikal lalo na sa: sakit sa bato, sakit sa atay, heart failure (ginagamot, matatag na uri), sakit sa baga (hika, bronchitis, chronic obstructive pulmonary disease -COPD), sobrang aktibo teroydeo (hyperthyroidism), diyabetis, gout, untreated salt imbalance (mataas na calcium, mababang potassium /magnesium), pagkawala ng sobrang tubig sa katawan (pag-alis ng tubig), mga problema sa sirkulasyon ng dugo (peripheral vascular disease), ilang sakit sa kalamnan (myasthenia gravis), lupus, mataas na antas ng kolesterol /triglyceride, kamakailang operasyon ng nerve (sympathectomy). Kung mayroon kang diyabetes, maaaring matakpan nito ang mabilis /kabog na tibok ng puso na karaniwang mararamdaman mo kapag ang lebel ng asukal sa dugo ay masyadong mababa (hypoglycemia). Ang iba pang mga sintomas ng mababang antas ng asukal sa dugo, tulad ng pagkahilo /pagpapawis, ay hindi apektado ng gamot na ito. Ang produktong ito ay maaari ding gawing mas mahirap upang makontrol ang iyong mga antas ng asukal sa dugo. Ang Ziac ay maaaring gawing mas sensitibo ka sa sinag ng araw. Iwasan ang matagal na pagkakalantad sa araw, mga tanning booth at sunlamp. Gumamit ng sunscreen at magsuot ng damit na proteksiyon kapag nasa labas. ...