Actigall
Watson Pharmaceuticals | Actigall (Medication)
Desc:
Ang Actigall, ay isang natural na asido sa apdo, na inilalabas ng katawan na nakaimbak sa gallbladder. Nailalabas ito ng katawan sa pamamagitan ng pagsira sa produksyon ng kolesterol at pagtunaw ng kolesterol sa apdo upang hindi ito mabuo at maging bato. Ang Ursodiol ay ginagamit upang matunaw at maiwasan ang kolesterol na gallstones at gamutin ang pangunahing biliary cirrhosis, isang sakit sa atay. Ito ay gamot na maari lamang inumin kapag may reseta at dapat itong inumin gamit ang bibig, dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw, o ayon sa payo ng iyong doktor. Ang dosis (dosage) ay batay sa iyong medikal na kondisyon at tugon sa gamutan. Huwag taasan ang dosis (dosage) o dalas nang pagamit ng walang payo ng iyong doktor. Para sa pinakamahusay na resulta ay kinakailangan na uminom ng Ursodiol ng hanggang sa 2 taon. ...
Side Effect:
Ang Gallstone calcification ay maaaring lumabas habang nasa yugto ng gamutan. Sa mga bihirang kaso, ang dumi ng tao ay maaaring maging maputla. Ang Actigall ay hindi dapat gamitin para sa:pamamaga ng gallbladder, bile duct at lapay (pancreas). Karaniwang dulot ng gamot na ito ang:pagtatae, tibi, paghilab ng tiyan, hindi pagkatunaw, pagkahilo, pagsusuka, namamagang lalamunan, pagkakaroon ng sipon, panginginig, pananakit ng katawan, mga sintomas ng trangkaso; sakit sa likod, kalamnan at pananalit ng kasu-kasuan, pagkawala ng buhok, sakit ng ulo. Kung mayroon man sa mga ito ang nagpatuloy o lumala, tumawag sa iyong doktor. Ang iba pang mga mas malubhang epekto ay:isang reaksiyong alerdyi (allergic reaction) - pantal, pangangati, hirap sa paghinga, matinding pagkahilo, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha, o pamamantal; madalas na pag-ihi o sakit kapag umiihi at ubo na may kasamang lagnat. Kung napansin mo ang alinman sa mga ito ay humingi kaagad ng tulong medikal. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito ay ipagbigay-alam sa iyong doktor kung mayroon kang anumang uri ng mga alerdyi (allergy). Sabihin sa iyong doktor kung gumagamit ka ng iba pang gamot at kung mayroon ka o nagkaroon ka ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon:sakit sa atay, sakit sa gallbladder, sakit sa lapay, o anumang kondisyon sa bile duct. Sa panahon ng pagbubuntis ay hindi ipinagbabawal na gumamit o uminom ng Actigall, ngunit talakayin sa iyong doktor bago gumamit. Sa panahon ng pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...