Azopt

Novartis | Azopt (Medication)

Desc:

Ang Azopt/brinzolamide ophthalmic ay isang carbonic anhydrase inhibitor na tinukoy sa paggagamot ng tumaas na intraocular na presyur sa mga pasyenteng mayroong pang-matang haypertensyon o open-angle na glawkoma. ...


Side Effect:

Ang mga epektong tulad ng panandaliang panlalabo ng paningin, mapait, maasim, o hindi pangkaraniwang panlasa ng iyong bibig, tuyong mata, pansamantalang hindi kaginhawahan, o pamumula ng mata, pakiramdam na parang may bagay sa mata, diskarga ng mata, at sakit ng ulo ay maaaring mangyari. Ang mga higit na seryosong epekto ay may kasamang reaksyong alerdyi, pamamaga ng mata o talukap ng mata o sakit, sakit ng tiyan, tagiliran at likod, tumatagal na pagduduwal o pagsusuka, paninilaw ng mata o balat, ihing madilim ang kulay, madaling pagpapasa o pagdurugo, hindi pangkaraniwang pagkapagod, mga senyales ng inpeksyon tulad ng lagnat, ginaw, tumatagal na pamamaga ng lalamunan, o sakit ng dibdib. Kung ikaw ay may mapansing kahit ano sa mga ito, o kahit anong ibang hindi pangkaraniwang senyales, humingi ng agarang tulong medikal. ...


Precaution:

Bago gamitin ang Azopt, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko kung iakw ay hindi hiyang sa brinzolamide ophthalmic o kung ikaw ay mayroong kahit anong ibang alerhiya. Sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo ng: ibang mg kondisyong sa mata, mga problema sa bato, sakit sa atay. kung ikaw ay magkaroon ng inpeksyon o pinsala sa mata, o kung ikaw ay mayroong operasyon sa mata, ipasuri sa iyong doktor kung dapat mo bang ipagpatuloy ang iyong pangkasalukuyang bote. Maaaring abisuhan kang magsimula ng bagong bote. Ang iyong paningin ay maaaring panandaliang lumabo o magbago pagkatapos maglagay ng gamot na ito. Huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng kahit anong gawaing nangangailangan ng agap o malinaw na paningin hanggang sa makisiguro ka ng kaya mo ng gawin ang mga ito ng ligtas. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».