Azulfidine

Pfizer | Azulfidine (Medication)

Desc:

Ang Azulfindine/sulfasalazine at kasama sa isang klase ng mga medikasyong tinatawag na anti-imflammatory na mga gamot na gumagawa sa pamamagitan ng pagbabawas sa mga implamasyon (pamamaga) sa loob ng katawan. Ang medikasyong ito ay ginagamit upang gamutin ang bowel na implamasyon, lagnat, pagtatae, pagdurugo ng pwet, at sakit ng tiyan sa mga pasyenteng mayroong ulseratibong kolaitis. ...


Side Effect:

Ang mga gambalang gastrointestinal ay kadalasang nangyayari sa mga pasyenteng umiinom ng Azulfindine. Ang pagduduwal, pagsusuka, gatric distress, at anoreksya (kawalan ng ganang kumain) ay karaniwang nangyayari. Ang Azulfindine ay maaaring magsanhi ng pagbabago ng kulay ng balat o ihi. Ang pagkakaroon ng kahel-dilaw na diskolorasayon ay dapat ipag-walang bahala. Ang sakit ng ulo, mga reaksyong alerdyi, at potosentisitidad (pagkakaroon ng pantal kapag nababad sa araw) ay maaaring mangyari habang terapiya ng sulfasalazine at nangangailangan ng atensyong medikal. Ang ilang mga reaksyong alerdyi na maaaring magprogreso mula sa pamamantal hanggang hirap sa paglunok, pamamaltos, pamamalat, o pagluluwag ng balat, pananakit ng kasu-kasuan at mga kalamnan, at hindi pangkaraniwang pagkapagod o panghihina. Ito ay maaaring may kaakibat na lagnat. Ang higit na matinding reaksyong alerdyi ay madalang. Ang ilang mga posibleng mapanganib ng epekto sa sulfasalazineay naitala ng madalang. Ang pagbagsak ng bilang ng puting selula o isang uri ng anemya kung saan ang mga pulang selula ng dugo (hemopilya) ay nasisira ay maaaring mangyari. Ang mga epekto ay kinakarakterisa ng lagnat, maputlang balat, pamamaga ng lalamunan, pagod, at hindi pangkaraniwang pagdurugo at pagpapasa, at nangangailangan ng paghinto ng gamot. Ang pagpapalya ng atay, pankreyataitis, at pagpapalya ng bato ay naiugnay rin kasama ng sulfasalazine. ...


Precaution:

Bago gamitin ang medikasyong ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng kahit anong gamot na may reseta o wala, preparasyong erbal, o suplementong pangdiyeta o kung ikaw ay may kahit anong alerhiya sa mga gamot, pagkain, o ibang mga substansya. Sabihin sa iyong tagapagbigay ng alagang pangkalusugan kung ikaw ay mayroong kahit ano sa mga sumusunod na kondisyong medikal: mga problema sa atay o bato, hika, matinding mga alerhiya, mga problema sa dugo (anemya, mababang mga lebel ng puting selula ng dugo), o rayuma; kakulangan ng glucose-6-phosphate dehydrogenase; isang inpeksyon (halimbawa, strep throat). Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».