Dantrolene - oral
JHP Pharmaceuticals | Dantrolene - oral (Medication)
Desc:
Ang Dantrolene ay ginagamit upang gamuting ang paninigas at pulikat (spasms) ng kalamnan na sanhi ng sakit sa nerb tulad ng pinsala sa gulugod, atakeng serebral, serebral na pagkaparalisa, at maramihang sklerosis. Ito ay gumagana sa pamamagitan ng pagpapahinga sa kalamnan. Ang Dantrolene ay tumutulong sa pagbawas ng sakit at paninigas ng kalamnan, pinapabuti ang iyong abilidad na gumalaw, at tinutulungan kang gumawa ng mas maraming pang-araw-araw na gawain. Ang Dantrium ay ginagamit rin sa ibang paggagamot upang pigilan o gamutin ang espesyal na kaso ng mataas na lagnat (malubhang hypertemya) na kaugnay ng anestesya at operasyon. ...
Side Effect:
Ang pagkaantok, pagkahilo, panghihina, pagod, pagduduwal ay maaaring mangyari habang ang iyong katawaan ay nakikiaayon pa lamang sa gamot at kadalasang dumadalang ang mga ito makaraan ang ilang araw. Ang sakit ng ulo, di makadumi, sirang pagsasalita, at paglalaway ay maaari ring maganap. Kapag ang mga epektong ito ay tumagal at lumala, sabihin kaagad sa doktor o parmaseutiko.
Marami sa mga taong naggagamot nito ay walang seryosong epekto. Sabihin kaagad sa doktor kung ikaw ay makaranas ng madalang mangyari ngunit matinding epekto:sunog sa balat dulot ng araw (sensitibo ang balat sa araw), pagbabago sa paningin, itim na dumi, suka na mukhang kapeng durog, pagbabago sa pag-iisip/kalooban, hirap sa paglunok, problema sa pag-ihi, mahirap o hindi makadumi, sumpong, mabilis na pagtibok ng puso.
Sabihin agad sa doktor kung alin man sa madaling mangyari ngunit matinding epekto ang magkaroon ka:madaling magkapasa/magdugo, senyales ng inpeksyon (halimbawa:lagnat, ginaw, namamagang lalamunan), sakit sa dibdib, pamamaga ng bukong-bukong/paa, hirap sa paghinga. Ang malubhang reaksyong alerdyi ay madalang mangyari. Ngunit, humingi agad ng tulong-medikal kung ikaw ay may mapansin na kahit anong sintomas ng matinding reaksyong alerdyi, kasama ang:pangangati/pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalamuna), matinding pagkahilo at hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay alerdyik sa dantrolene o kahit anong gamot, gamot na may reseta o wala na iyong iniinom, lalo na ang diazelam (Valium); estrogen;gamot para sa sumpong, alerdye, sipon, o ubo; sedatibo;gamot pampatulog; pamapakalma; at bitamina. Bago gamitin ang gamot, sabihin muna sa doktor kung ikaw ay may kahit anong uri ng alerdye. Sabihin rin kung ikaw ay umiinom ng ibang gamot at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon:sakit sa bato, kolaitis o problema sa tiyan.
Habang buntis at nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito ng walang pahintulot ng doktor. Dapat alam mong ang gamot na ito ay maaari kang gawing antukin. Huwag magmaneho o gumamit ng makina hanggat di mo alam kung anong epekto ng Dantrolene sa iyo, tandaan na ang alak ay maaaring dumagdag sa pagkaantok dulot ng gamot. Dapat ay planuhin mo na ikaw ay makaiwas sa hindi kinakailangan o matagal na pagbabad sa init ng araw at magsuot ng mga damit na mapuprotektahan ka, salamin sa mata, at pampahid sa balat laban sa araw. Ang Dantrolene ay maaari kang gawing sensitibo sa liwanag ng araw. ...