Daptomycin

Unknown / Multiple | Daptomycin (Medication)

Desc:

Ang turok ng Daptomycin ay maaaring gamitin ng mag-isa o kasama ang iba pang gamot upang gamutin ang ilang inpeksyon sa dugo at balat na sanhi ng bakterya. Ang Daptomycin ay isa sa ma klase ng gamot na tinatawag ring antibiyotikong siklik lipopeptayd. Ito ay gumagana sa pamamagitan ng pagpatay ng bakterya. Ang mga antibiyotiko ay hindi tatalab sa paggamot ng sipon, trangkaso, o iba pang inpeksyong dulot ng mikrobyo. ...


Side Effect:

Ang mga senyales ng reaksyong alerdyik ay:pamamantal; hirap sa paghinga; pamamaga ng mukha, labi, dila, o lalamunan at ang mga ito ay nangangailangan ng agarang medikal na aksyon. Ilan sa mga seryosong epekto ng Daptomycin na maaari mong maranasan ay:hindi karaniwang sakit ng kalamnan, pagtigas, o paghina; pamamanhid o pag-tusok-tusok; sakit o parang nasusunog na pakiramdam kapag umiihi; pagtatae na matubig o madugo; maputlang balat, panghihina, madaling pamamantal o pagdurugo; pamamaga; o sakit sa dibdib.

Ang mga hindi masyadong malubhang epekto ay:hindi makadumi, pagduduwal, pagtatae, pagsusuka; pamumula, hindi maginhawahan, o pagkairita sa pinagturukang bahagi; sakit ng ulo; ubo; pamamaga ng lalamunan; sakit sa likod; kawalan ng gana kumain; pagkabalisa; pagkalito; problema sa pagtulog (hindi pagkakatulog); o katamtamang pamamantal. ...


Precaution:

Hindi mo dapat gamitin ang Daptomycin kung ikaw ay hindi hiyang sa mga hindi aktibong sangkap nito. Para masigurong ligtas mo itong matatanggap, sabihin sa doktor kung mayroon ka ng alinman sa mga kondisyong ito:sakit sa bato; o sakit sa nerbs o kalamnan. Ang Daptomycin ay nakakasama sa sanggol na nasa sinapupunan. Sabihin sa doktor kung ikaw ay buntis o may balak na mabuntis habang naggagamot. Ang Daptomycin ay naipapasa sa gatas ng ina kung kaya ay maaari itong makaapekto sa sanggol. Huwag gamitin ang Dapsone ng hindi kumukonsulta sa iyong doktor kung ikaw ay nagpapasuso ng sanggol. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».