Ergotamine - caffeine

Unknown / Multiple | Ergotamine - caffeine (Medication)

Desc:

Ang ergotamine at caffeine ay ginagamit upang pigilan at gamutin ang mga sakit ng ulo ng migraine. Ang ergotamine ay nasa isang klase ng mga medikasyong tinatawag na mga ergot alkaloid. Ito ay gumagawa kasama ng caffeine sa pamamagitan ng pagpipigil sa mga ugat sa ulo na lumaki at magsanhi ng mga sakit ng ulo. Ang kombinasyon ng ergotamine at caffeine ay mayroong tableta na iniinom gamit ang bibig at bilang supositoryong inilalagay sa pwet. Ito ay kadalasang ginagamit sa unang senyales ng sakit ng ulo ng migraine. ...


Side Effect:

Sabihin sa iyong doktor kung alinman sa mga sintomas ang matindi o hindi mawala: pagduduwal, pagsusuka. Ang ilang mga epekto ay pwedeng maging seryoson. Ang mga sumusunod na sintomas ay hindi karaniwang, ngunit, kung makaranas ka ng alinman sa mga ito, tawagan ang iyong doktor kaagad: panghihina ng binti, sakit ng dibdib, mabilis na tibok ng puso, mabagal na tibok ng puso, pagkahilo, sakit ng kalamnan sa mga binti o braso, maasul na mga kamay at paa, pamamaga, pangangati, sakit, pagsusunog, o pagtusok-tusok sa mga daliri sa kamay o paa. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay may kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: sakit sa bato, kolaitis, o mga problema sa tiyan. Huwag gagamitin ang ergotamine-caffeine kung ikaw ay mayroong: kasaysayan ng sakit ng puso, anghinga (sakit ng dibdib), mga problema sa sirkulasyon ng dugo, o kasaysayan ng atake sa puso o atakeng serebral; coronary artery disease o paninigas ng mga arterya; hindi kontroladong altapresyon; matinding sakit sa atay; matinding sakit sa bato; o seryosong inpeksyong tinatawag na sepsis. Ang paggamit ng ilang mga medikasyong kasama ng ergotamine at caffeine ay pwedeng magsanhi ng higit na pagbaba ng daloy ng dugo kaysa sa ergotamine at caffeine lamang. Ang matinding pagbaba ng daloy ng dugo sa utak at ibang mga parte ng katawan ay pwedeng magsanhi ng mga mapanganib na epekto. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».