Erythromycin and benzoyl peroxide

Valeant Pharmaceuticals International | Erythromycin and benzoyl peroxide (Medication)

Desc:

Ang Erythromycin at benzoyl peroxide ay ginagamit bilang panlabas na lunas sa akne. Ang Benzoyl peroxideay mayroong kontra-bakterya at nagpapatuyong epekto kung saan ang labis na langis o dumi ay mawawala. Ang Erythromycinay isang antibayotiko na pumipigil sa bakterya sa kanyang paglago sa balat. Ipahid ang gamot na it sa tuyo at malinis na balat ayon sa payo ng iyong doktor. Gamitin ng regular ang gamot na ito upang makamit ang higit na pakinabang at hugasan ang iyong kamay pagkatapos. ...


Side Effect:

Malubhang epekto na madalang maranasan ay ang mga sumusunod:reaksyong alerdyi—pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga; pagsasara ng lalamunan; pamamaga ng labi, mukha, o dila; o impeksyon sa balat gaya ng punggal na impeksyon (pagkatapos ng matagal na paggamit). Humanap ng madaliang tulong medikal kung mararanasan ang mga ito. Kung ang mga sumusunod na sintomas ay magpapatuloy o lumala, tawagan ang iyong doktor:pagkapaso ng balat, pagka hapdi, pangangati, pamumula, panunuyo, pagbabalat, o iritasyon. ...


Precaution:

Ipaalam sa iyong doktor bago gamitin ang gamot na ito kung ikaw ay may alerdyi. Sapagkat ang gamot na ito ay maaring magdulot ng pagiging sensitibo sa sikat ng araw, iwasan ang matagal na pagbilad sa sikat ng araw, “tanning booths”, “sunlamps”, at gumamit ng “sunscreen” at magsuot ng sumbrero o iba pang proteksyon kapag nasa labas. Di nirerekomenda ang paggamit ng gamot ng walang pagsangguni sa doktor kung ikaw ay nagbubuntis o nagpapasuso. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».