Guaifenesin with phenylephrine - oral

Beximco Pharmaceuticals Ltd | Guaifenesin with phenylephrine - oral (Medication)

Desc:

Ginagamit ang kombinasyon ng gamot na guaifenesin at phenylephrine upang gamutin ang baradong ilong at sinus, at upang mabawasan ang sikip sa dibdib na sanhi ng karaniwang sipon o trangkaso. Samantala, ang Guaifenesin ay isang expectorant, ang Phenylephrine ay isang decongestant at sama-sama silang makakatulong upang maubos ang mga plema sa bronchial tubes sa pamamagitan ng pagnipis ng uhog at pinapawi ang irritated membrane sa mga daanan ng paghinga sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagkatuyo sa tulong ng pagpapaganda ng daloy mucus. Gamitin ang gamot na ito nang eksakto sa direksyon ng iyong doktor para sa iyong kondisyon. Para sa wastong paggamit sundin ang tagubilin sa tatak. ...


Side Effect:

Sa panahon ng paggamit ng kombinasyon ng gamot na guaifenesin at phenylephrine maaaring mangyari ang mga pagduwal, pagsusuka, pagkabalisa sa tiyan, pagkawala ng gana sa pagkain; mainit na pakiramdam, nanginginig, o pamumula sa iyong balat; nasasabik pakiramdam o hindi mapakali; mga problema sa pagtulog (insomina); pantal sa balat o pangangati; sakit ng ulo; o pagkahilo. Anuman sa mga ito ay nagpatuloy o lumala, kumunsulta agad sa iyong doktor. Kasama sa reaksyon ng alerdyi ang mas malubhang epekto katulad ng: mabilis, malakas, o mahinang tibok ng puso; matinding pagkahilo, pagkabalisa, hindi mapakaling pakiramdam, o nerbiyos; madaling magkaroon ng pasa o pagdurugo, hindi pangkaraniwang kahinaan, lagnat, panginginig, pananakit ng katawan, sintomas ng trangkaso; tumataas ang presyon ng dugo; pagduwal, sakit ng tiyan, mababang lagnat, pagkawala ng gana sa pagkain, madilaw na ihi, kulay putik na dumi, o paninilaw ng balat. Kung napansin mo ang alinman sa mga ito humingi kaagad ng tulong medikal. ...


Precaution:

Ipaalam sa iyong doktor bago gamitin ang gamot na ito kung mayroon kang anumang uri ng mga alerdyi. Kung gumagamit ka ng iba pang gamot sabihin sa iyong doktor at kung mayroon kang alinman sa mga sumusunod na kondisyon: sakit sa puso o mataas na presyon ng dugo; diabetes; isang sakit sa thyroid; mga problema sa sirkulasyon; glaucoma; hyperthyroid; o lumalaking prosteyt o mga problema sa pag-ihi. Dahil maaaring maging sanhi ng pagkahilo at pag-aantok, iwasang magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang malaman mong ligtas mong maisasagawa ang agawain na ito. Hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».