Guaifenesin, oxtriphylline
Pfizer | Guaifenesin, oxtriphylline (Medication)
Desc:
Kabilang sa isang klase ng mga gamot ang oxtriphylline na kilala bilang xanthines at ito ay nagbabago sa katawan bilang theophylline. Sa pamamagitan ng Theophylline pinapaganda nito ang paghinga at pagbubukas ng mga daanan ng hangin at pagbawas ng pagka-irita ng baga. Ito ay naglalaman ng gamot ng 2 gamot (oxtriphylline at guaifenesin) at ginagamit upang makatulong at maiwasan ang problema sa paghinga na dulot ng patuloy na sakit sa baga (tulad ng hika, talamak na brongkitis, empysema). Isang expectorant ang Guaifenesin na makakatulong sa manipis at mapalabnaw ang uhog sa baga, na ginagawang mas madaling mailabas ang uhog sa pamamagitan ng pag-ubo. ...
Side Effect:
Bihira ang isang napaka-seryosong reaksiyon sa gamot na ito. Agad na humingi ng agarang medikal na atensyon kapag nakita mo ang mga sintomas ng isang alerdyi, kabilang ang: pantal, pangangati o pamamaga (lalo na sa mukha, dila, lalamunan), matinding pagkahilo, problema sa paghinga. Posible ring maranasan ang sakit ng tiyan, malakas na tibok ng puso, pagduwal, pagsusuka, sakit ng ulo, problema sa pagtulog, pagtatae, pagkamayamutin, hindi mapakali, pag-alog, at dumadaming ihi. ...
Precaution:
Kumunsulta sa iyong doktor o parmasyutiko tungkol sa ligtas na paggamit ng produktong ito kung mayroon kang diabetes, alcohol dependence, o sakit sa atay. Agad na ipaalam sa iyong doktor kung nagkararanas ka ng mataas na lagnat na tumatagal ng higit sa 24 na oras. Kailangang iayon ang dosis ng iyong gamot. Ang produktong ito naglalaman ng asukal at alkohol. Sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko ang iyong mga nakalipas ng sakit bago gamitin ang gamot na ito, lalo na kung mayroong: problema sa puso (tulad ng angina, mabilis o hindi regular na tibok ng puso, heart failure, atake sa puso), mataas na presyon ng dugo, sakit sa bato, sakit sa atay, seizures, ulser, problema sa thyroid (hindi aktibo o sobrang aktibo), problema sa baga (cystic fibrosis), tubig sa baga. ...