Hydrocodone, acetaminophen

Endo Pharmaceuticals | Hydrocodone, acetaminophen (Medication)

Desc:

Ang Hydrocodone ay isang opioid na ginagamit para sa kirot, at ang Acetaminophen ay isang mahinang pantanggal ng kirot na nagpapalakas sa epekto ng hydrocodone. Ang kombinasyon ng mga gamot na ito ay ginagamit upang mapawi ang katamtaman hanggang sa matinding kirot. Ang gamot na ito ay iniinom lamang kapag may reseta, at iniinom ng naaayon sa itinuro ng iyong doktor para sa inyong kondisyon. Ang sukat at dami ay batay sa iyong kondisyong medikal at sa pagtugon ng iyong katawan sa gamutan. Huwag dagdagan ang sukat at dami o dalas ng pag-inom nang walang payo ng iyong doktor. ...


Side Effect:

Kadalasan, ang gamot na ito ay maaaring magdulot ng pagduwal, pagsusuka, paninigas ng dumi, magaang pakiramdam sa ulo, pagkahilo, o pag-aantok. Alin man sa mga sintomas na ito ay nagpatuloy o lumala, kumonsulta agad sa ta iyong doktor. Ang mga bihira, ngunit mga seryosong epekto nito ay nangangailangan ng agarang pangangalagang medikal. Itigil ang paggamit nito kung nagkaroon ng: pagbabago sa pag-iisip o pag-uugali, matinding sakit sa tiyan o kalamnan sa tiyan, nahihirapan sa pag-ihi, nahimatay, kombulsyon, mabagal o mababaw na paghinga, hindi pangkaraniwang pagka-aantok o kahirapan sa paggising at alerdyi - pamamantal, pangangati, kahirapan sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o mga pantal. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay alerdyi sa gamot na ito, o sa iba pang mga gamot, o kung mayroon kang anumang iba pang mga alerdyi. Sabihin sa iyong doktor kung gumagamit ka ng iba pang gamot at kung mayroon ka o nagkaroon ka ng mga sumusunod na kundisyon: mga karamdaman sa utak tulad ng pinsala sa ulo o pagkabagok, bukol, kombulsyon, mga problema sa paghinga tulad ng hika, pansamantalang paghinto ng paghinga habang natutulog, sakit sa baga na tinatawag na COPD, sakit sa bato, sakit sa atay, karamdaman sa pag-iisip o kondisyon tulad ng pagkalito, pagkalungkot, pansariling nakaraang kasaysayan ng palagian/ pang-aabuso sa gamot/alak o kung nangyari na ito sa ibang kapamilya, problema sa tiyan o bituka tulad ng pagbara, paninigas ng dumi, pagtatae dahil sa impeksyon, o paralytic ileus (pagkaparalisa o hindi paggalaw ng kalamnan sa parte ng bituka), kahirapan sa pag-ihi. Dahil maaaring magdulot ng pagkahilo at pagka-antok, kaya hindi pinapayuhan na magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa matiyak mong magagawa mong ligtas ang gawaing ito. Limitahan din ang pag-inom ng alak. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».