Hydrocodone, phenylpropanolamine

Abbott Laboratories | Hydrocodone, phenylpropanolamine (Medication)

Desc:

Ang Hydrocodone ay gamot sa ubo. Ang Phenylpropanolamine ay gamot upang mapawi ang pagbabara ng ilong. Ginagamit ang kombinasyon na mga gamot na ito upang gamutin ang isang ubo at sintomas na nauugnay sa karaniwang sipon, alerdyi, hay fever o allerghic rhinitis (ang ilang sa mga sintomas nito ang pagbahing, pagtutubig, at pagbabara ng ilong), sinusitis at iba pang mga sakit sa daanan ng hangin at baga. ...


Side Effect:

Ang pagkahilo, pagka-antok, sakit ng ulo, pagkawala ng gana sa pagkain, pagduduwal o paggiging iritable ay maaaring maranasan sa unang ilang araw habang inaayos pa ng katawan ang pagregula ng gamot. Ipaalam sa iyong doktor kung nagkakaroon ka ng: pananakit ng dibdib, mabilis na pulso, pamamantal sa balat, mataas na presyon ng dugo, panginginig, problema sa paghinga, pagkalito sa kaisipan, nerbiyos, o guni-guni. ...


Precaution:

Posibleng makaranas ng mababaw at mabagal na paghinga bilang epekto ng gamot na ito. Ang mga pasyenteng may hika o pulmonary emphysema (isang uri ng COPD) na gumagamit ng mga gamot sa ubo ng hindi wasto ay maaring makaranas ng paglapot ng mga likidong normal na inilalabas ng baga at mawala ang awtomatikong tugon ng katawan na pag-ubo, na may kasunod na kahirapan sa paghinga. Posibleng magkaroon ng pagbaba ng epekto ng gamot sa katawan, pagkakaroon ng mga sintomas ng sikolohikal o pisikal na pag-asa sa gamot kasunod ng matagal na paggamit nito. Bago gamitin ang gamot na ito ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang anumang uri ng mga alerdyi. Sabihin sa iyong doktor kung gumagamit ka ng iba pang gamot at kung mayroon ka o nagkaroon ka ng alin man sa mga sumusunod na kondisyon: sakit sa bato, pamamaga ng kolon o bituka, o mga problema sa tiyan. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».