Hydrocortisone foam - rectal
Unknown / Multiple | Hydrocortisone foam - rectal (Medication)
Desc:
Ginagamit ang Hydrocortisone sa puwit upang gamutin ang almoranas at pangangati o pamamaga ng lugar ng puwitan na sanhi ng almoranas o iba pang mga kondisyon na may pamamaga sa puwitan. Gamitin ang produktong ito sa puwitan lang, karaniwang isang beses o dalawang beses araw-araw sa loob ng 2 hanggang 3 linggo, pagkatapos ay isang beses isang araw tuwing makalawang araw, o tulad ng itinuro ng iyong doktor. Ang sukat at dami,at haba ng paggamot ay batay sa iyong kondisyong medikal at tugon sa pagtugon ng iyong katawan sa gamutan. Hindi nito nakagagamot ang problema sa bituka (ulcerative proctitis), ngunit maaari nitong mapawi ang sakit at mabawasan ang dami ng pagtatae at mga madugong dumi na sanhi ng pamamaga. Ang gamot na ito ay ginagamit kasama ng iba pang gamot para sa ilang mga problema sa bituka (ulcerative proctitis). Karaniwan itong ginagamit sa mga taong hindi maaaring gumamit ng labatiba. Ang Hydrocortisone ay isang gamot na kontra-pamamaga (corticosteroid na hormon). Ginagamit ito sa pamamagitan ng pagbawas ng natural na tugon ng resistensya ng katawan at pagbawas ng pamamaga. ...
Side Effect:
Ang seryosong malubhang alerdyi sa gamot na ito ay malamang na hindi mangyari, ngunit humingi ng agarang medikal na atensyon kung mangyari ito. Ang mga sintomas ng isang seryosong malubhang alerdyi ay maaaring kabilang ang mga sumusunod: pamamantal na may pamumula, pangangati / pamamaga (lalo na sa mukha / dila / lalamunan), matinding pagkahilo, at hirap sa paghinga. Hindi ito isang kumpletong listahan ng mga posibleng epekto. Maaari rin mangyari ang pananakit/ pagkairita sa bahagi ng puwitan, sakit ng ulo, pagkahilo, pagbabago ng panahon ng pagreregla (halimbawa: naantala/hindi palagian/pagliban), problema sa pagtulog, sobrang pagpapawis, tagiyawat, nadagdagan ang gana sa pagkain, o hindi maipaliwanag na pagtaas ng timbang. ...
Precaution:
Ang gamot na ito ay maaaring magdulot ng hilo sa iyo. Huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng anumang gawain na nangangailangan ng pagiging alerto, hanggang hindi pa nasisigurong ligtas mong maisasagawa ang mga naturang gawain. Limitahan ang pag-inom ng alak. Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko ang iyong mga nakaraang sakit, lalo na ang: ilang mga sakit sa mata (katarata, glaucoma, herpes ng mata), ilang mga problema sa puso (halimbawa, Congestive Heart Failure o pagpalya sa puso), mataas na presyon ng dugo, matinding sakit sa atay ( cirrhosis), sakit sa bato, mahinang pagtatrabaho ng thyroid gland (hypothyroidism), diyabetes, mga problema sa tiyan/ bituka. Ang gamot na ito ay dapat gamitin lamang sa panahon ng pagbubuntis kung talagang kinakailangan . Mayroong mga bihirang pagkakataon na nakaka-apekto ito sa mga hindi pa isinisilang na sanggol. ...