Hydrocortisone suppository - rectal
Unknown / Multiple | Hydrocortisone suppository - rectal (Medication)
Desc:
Ang Hydrocortisone ay nabibikang sa isang klase ng mga gamot na tinatawag na mga steroid. Pinipigilan ng Hydrocortisone ang paglabas ng mga elemento sa katawan na sanhi ng pamamaga. Ang Hydrocortisone suppository ay nilalagay sa puwitan upang gamutin ang almoranas at pangangati/pamamaga sa puwit at sa butas ng puwit. Ginagamit din ito kasama ng iba pang mga gamot upang gamutin ang ilang mga problema sa bituka (tulad ng ulcerative colitis ng puwit/butas ng puwit at iba pang kundisyon na may pamamaga). ...
Side Effect:
Ang Hydrocortisone ay maaaring magdulot ng iba pang mga epekto. Sabihin sa iyong doktor kung ang alinman sa mga sintomas na ito ay lumala o hindi nawala: sakit ng ulo, pagduwal, pagsusuka, pagkahilo, hirap sa pagtulog, hindi mapakali, pagkalungkot, pagkabalisa, hindi pangkaraniwang pakiramdam, madalas o sobrang pagpapawis, sobra-sobrang pagtubo ng buhok, pamumula ng mukha, tagiyawat, pagnipis ng balat, mabilis na pagpapasa, paglabas ng mga maliliit na kulay lila sa balat, hindi pagkakaroon ng regular na buwanang o pagkawala ng buwanang dalaw. Kung nakakaranas ka ng alinman sa mga sumusunod na sintomas, tawagan kaagad ang iyong doktor: pantal na may pamumula sa balat, namamagang paa, bukung-bukong, at ibabang bahagi ng binti, mga problema sa paningin, pananakit ng mata, pananakit ng kalamnan at panghihina, maitim, at kulay dugong dumi, hindi pangkaraniwang pagdurugo. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang anumang uri ng mga alerdyi. Sabihin sa iyong doktor kung gumagamit ka ng iba pang gamot at kung mayroon ka o nagkaroon ka ng alinman sa mga sumusunod na kundisyon: problema sa mata, mga problema sa puso, mataas na presyon ng dugo, sakit sa atay, sakit sa bato, mga problema sa teroydeo(thyroid), diyabetes, mga problema sa tiyan/ bituka, malutong buto (osteoporosis), kasalukuyan/nakaraang impeksyon, problema sa pagdurugo, pamumuo ng dugo, kondisyon o problema sa kaisipan, mababang mineral sa dugo (tulad ng mababang potassium o calcium), mga kombulsyon. Sabihin sa iyong doktor na gumagamit ka ng gamot na ito bago ka makatanggap ng anumang bakuna. Bagaman na hindi mangyari, posible na ang gamot na ito ay mapunta sa daluyan ng iyong dugo. Maaari itong magdulot ng hindi kanais-nais na resulta na maaaring mangailangan ng karagdagang corticosteroid. Totoo ito lalo na para sa mga bata at para sa mga gumamit na nito sa mas mahabang panahon, at kung mayroon din silang mga malubhang problemang medikal tulad ng malubhang impeksyon, pinsala o operasyon. Nararapat ang pag-iingat na ito isang taon matapos huminto sa paggamit ng gamot na ito. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang pahintulot ng iyong doktor. ...